HANGA naman kami kay Angel Locsin sa pagtanggol niya kay Luis Manzano kahit may pinagdaraanan sila sa kanilang relasyon.
Tinawag na “silahis” si Luis ng isang follower ni Angel sa kanyang Instagram account.
Agad sinagot ni Angel ang kanyang follower. Aniya, pakituro sa kanya kung sino ang nagsabi at nang masapok niya nang todo.
Huwag daw magsasalita kung walang basihan. Hindi raw niya ito-tolerate kahit sino na mag-lambast kay Luis whether together pa sila o hindi na.
Hindi pa rin kinukumpirma nina Angel at Luis na wala na sila, kahit kalat na sa showbiz ang kanilang hiwalayan. Kung totoong break na nga sina Luis at Angel, hanga kami sa kanilang dalawa dahil hindi sila nagsasalita against each other. Hindi tulad ng ibang showbiz couples na kapag nag-break ay nagsisiraan.
Noong unang nag-break sina Luis at Angel, tahimik din sila.
Walang nakaalam kung ano ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
This time, tahimik din sila, nangingibabaw pa rin ang malasakit at respeto nila sa isa’tisa.
Kontrabida
Kontrabida ang role ni Kim Rodriguez sa bago niyang GMA series, “Hanggang Makita Kang Muli.” Siya ang gugulo sa love team nina Bea Binene at Derrick Monasterio.
Ayon kay Kim, hindi isyu kung kontrabida role ang itinoka sa kanya kahit nagbida na siya sa mga nakaraang ginawa niyang teleserye. Challenge sa kanya bilang isang aktres na maiba naman ang role na gagampanan niya. Mae-explore niya ang kanyang talents.
Ayaw raw niyang nakakahon lang ang kanyang acting sa sweet-sweetan at bait-baitan.
Wala siyang peg sa kontrabida role dahil aniya, gusto niya ng sarili niyang diskarte. Iniiwasan niyang maikumpara sa ibang nagkokontrabida.
Sa March ang airing ng “Hanggang Makita Kang Muli” kung saan tampok din sina Raymart Santiago, Angelika dela Cruz, Rita Avila, Inah Feleo, Ramon Christopher, Jak Roberto, Marco Alcaraz, Shyr Valdez at Luz Valdez. Mula sa direksiyon ni Laurice Guillen.
Enjoy lang!
Aminado si Aicelle Santos na malaking bagay ang exposure niya sa “Eat Bulaga.” Bukod sa may sarili siyang segment, “Traffic Diva,” judge pa siya sa “Just Duet” segment ng naturang noontime show.
Hindi alintana ni Aicelle kung nakabilad siya sa init ng araw at kumakanta siya. Kapag stop at red light, pinapara niya ang makursunadahan niyang sasakyan at pinapakanta ang mga pasahero. Give siya ng P5,000.
Ayon pa kay Aicelle, bukod sa nag-e-enjoy siya sa ginagawa niya, nakakapag-promote pa siya ng kanyang self-produced album.
Naibabahagi niya sa viewers ang mga kantang sinulat niya tungkol sa malasakit sa Pilipinas.