FIRST movie ni Gerald Anderson this year ang “Always Be My Maybe (ABMM).” Huling pelikula niya’y “Everyday I Love You” noong October last year.
First time katambal ni Gerald sa ABMM si Arci Muñoz at tampok din sina Cacai Bautista, Ahron Villena at Jaine Oineza with Dan Villegas at the helm.
First time rin ni Gerald nakatrabaho ang isang tunay na lalakeng director sa isang romcom (romance-comedy) flick. Aniya’y nasanay siya sa mga lady director na katrabaho sa mga nakaraan niyang pelikula.
“Ibang-iba ang atake ng isang tunay na lalakeng director sa kanyang point of view. Magaling si direk Dan. Sobrang gaan niyang katrabaho,” sambit ni Gerald noong presscon ng ABMM.
First time rin ni Gerald nagkaroon ng pinakamatagal at sobrang intense love scene with Arci. Anang Kapamilya actor, isang buong araw kinunan ang kanilang love scene at sobrang daring daw si Arci.
“Makikita n’yo sa movie na oozing ang kaseksihan niya,” ani Gerald.
Ayon kay direk Dan, maraming love scenes sina Gerald at Arci na sobrang wild ever. Both are professionals at walang reklamo ang dalawa, lalo na si Arci, considering may boyfriend siya. Wala siyang kiyeme at game na game, ayon kay direk Dan.
For reel or real ba?
Tanong ng bayan, totohanan na raw ba o acting lang ang ipinapakita nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kalyeserye ng “Eat Bulaga”? Para kasing totohanan na ang mga tula nila para sa isa’t isa na pati si Lola Nidora (Wally Bayola) ay tinanong sina Alden at Maine kung acting lang ba nila ’yun?
Pati ang kanilang body language, iisiping may “something” nang namamagitan between Alden and Maine. Ano nga ba ang real score sa kanila? For reel or real ba ang ipinapakita nila? Kilig pa more ba ang “drama” ng AlDub?
Magandang abangan sina Alden at Maine sa guesting nila sa “Tonight with Arnold Clavio ngayong Miyerkules (Feb. 17) at sa Feb. 24. Maraming ibubuking si Arnold sa interbyu niya kina Alden at Maine.
Noong nakaraang guesting ni Alden sa TWAC ay ’Tay ang tawag niya kay Arnold. Sa pagbalik niya sa programa nito, pormal na kayang ipakilala ni Alden si Maine kay Arnold?
Tutok lang sa GMA News TV at 10:15 at alamin ang mga pambubuking ni Arnold tungkol kina Alden at Maine. Kung sino ang mas sweet, mas makulit, mas matampuhin at iba pang pampakilig moments with AlDub.
Pinagkaguluhan
Dalawa sina Ken Chan at Jeric Gonzales sa mga Kapuso stars na pinagkaguluhan noong trade launch cum thanksgiving party ng GMA Network para sa kanilang advertisers.
Maraming guests ang nagpa-picture taking sa lead stars ng “Destiny Rose.” Game na game na nakipag-pose sina Ken at Jeric sa mga bisita sa naturang event.
Samantala, kaabang-abang ang mga kaganapan sa “Destiny Rose.” Malalaman na ni Jasmine (Katrina Halili) ang sikreto ng pagkatao ni Destiny. Paano kaya ito tatanggapin nina Lito (Joko Diaz) at Gabrielle (Fabio Ide)?
Reunion
Nagsilbing reunion ng ilang Kapuso tween star ang naganap na trade launch cum thanksgiving party ng GMA Network.
Nagkita-kita ang mga dating miyembro ng defunct youth-oriented show, “Tweenhearts” na sina Alden Richards, Louise delos Reyes, Kristoffer Martin, Bea Binene, Barbie Forteza, Derrick Monasterio, Joyce Ching at Hiro Peralta.
Nai-post ni Kristoffer sa kanyang Instagram account ang group selfie nila na may caption na ‘Tweens Unite!”
Bagaman hindi sila kumpleto dahil wala ang ibang dati nilang kasama sa “Tweenhearts” dahil either busy sa kanilang trabaho o may ibang commitment, nai-post naman ni Barbie sa kanyang social media account ang ganito: “A strong friendship doesn’t need daily conversation, doesn’t always need togetherness, as long as the relationship lives in the heart, true friends will never part #TWEENS!