ken chan
IN character bilang Destiny Rose si Ken Chan nang nakausap namin at ilang entertainment writers sa taping ng “Destiny Rose.” Girl na girl si Ken na hindi agad namin nakilala dahil naka-dress with matching high-heeled shoes, naka-wig na lampas-balikat at fully made up. Pati magsalita, pa-girl si Ken. ’Kaaliw!
Aniya, madali siyang makabitiw sa kanyang character. Kapag pack-up na, back to normal siya bilang Ken Chan.
Hanggang mid-March na lang ang “Destiny Rose” at ani Ken, nalulungkot siya na magtatapos na ito. Mami-miss niya ang buong cast dahil parang pamilya na sila kapag nasa set sila.
Sobrang thankful si Ken na umabot ng two seasons (almost half a year) ang DR. Hindi muna siya tatanggap ng gay role after this project. Paghahandaan niya ang panibagong project na ibang-iba ang karakter na ipo-portray niya. Malayo sa Destiny Rose character niya.
Ayon pa kay Ken, magbabakasyon muna siya sa Thailand bago siya magsimula sa follow-up project niya sa GMA.
Nasaktan
Mainit na mainit na pinag-uusapan ang pahayag ni Manny Pacquiao na masahol pa sa hayop ang tumataguyod sa same sex marriage, kaya hiningan namin ng reaction si Ken Chan. Transgender ang role niya sa “Destiny Rose” at nire-represent niya ang LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender) community.
Ani Ken, nirerespeto niya ang pahayag ni Pacquiao kung ano ang pinaniniwalaan nito. Ang mahalaga raw ay nag-sorry ito sa maraming nasaktang miyembro ng LGBT group.
“Hindi ako ka-grupo ng LGBT, pero kahit papaano’y nasaktan ako dahil isang transgender ang karakter ko sa ‘Destiny Rose.’ Nalungkot ako. Ay, bakit? Pero in time, mapapatawad ng LGBT si Manny. Malalambot ang puso nila,” wika ni Ken.
Kandidato si Pacquiao bilang senador, iboboto ba niya ito? “Hindi ako nakapag-register. Wala akong biometrics,” sabi ni Ken.
Samantala, inilunsad ng GMA ang “Destiny Calling,” series of webisodes sa “Destiny Rose,” exclusively on gmanetwork.com entertainment website at GMA’s YouTube channel. Included na ang links. Layunin nito ang magbigay ng payo sa televiewers about life and relationships.
Respeto lang
Hiningan din namin ng pahayag si Fabio Ide, love interest ni Ken Chan sa “Destiny Rose” bilang Gabrielle tungkol sa controversial statement ni Manny Pacquiao sa same sex marriage. Ani Fabio, nirerespeto niya ang pahayag ni Pacquiao and maybe, wrong term or choice of words lang ang ginamit nito.
“That’s his opinion, his right. He apologized naman and that’s good. We’re all human beings. Respect na lang sana each other,” ani Fabio. Hindi niya pwedeng iboto si Pacquiao dahil Brazilian citizen siya.
About his lovelife naman, happy si Fabio sa relasyon nila ni Bianca Manalo. Kahit taga-ABS-CBN ito, they support each other. Siya (Fabio) naman, kahit wala siyang network contract sa GMA ay sobrang grateful sa pagkakataon at tiwalang ibinigay sa kanya na maging love interest ni Ken Chan sa “Destiny Rose.”
Katrabaho ni Fabio sa DR si Melissa Mendez, nanay ng babaeng naanakan niya. One year and nine months old na ang lovechild (baby girl) ni Fabio sa daughter ni Melissa.
“Wala naman kaming (Melissa) problema working with each other. She’s very nice to me. We get to know each other more. We respect each other. She’s my mother in “Destiny Rose.” It would be very hard to act if we don’t get along well.”
After DR, magbabakasyon muna si Fabio sa Bali, Indonesia. May offer ang Viva Entertainment na isang project for TV5. Pero kung o-offeran din siya ng GMA, priority niya ang Kapuso Network.
Kasado na
Kasado na ang GMA afternoon prime series na ipapalit sa “Destiny Rose.” “The Millionaire’s Wife” ang pamagat na tatampukan nina Andrea Torres, Mike Tan, Jaclyn Jose, Robert Arevalo, Sid Lucero, Ina Raymundo at Rich Asuncion. Si Albert Langitan ang direktor.
Wala pang kumpirmasyon mula sa GMA, pero lumulutang ang pangalan nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garci at Sanya Lopez (sino siya?). Sila ang gaganap na sang-gres sa remake ng “Encantadia.” Tampok din sina Rocco Nacino at Ruru Madrid.
Kasama rin sina Migo Dacer at Klea Pineda, “Starstruck 6” Ultimate Male and Female survivors. Bahagi ng premyo nila ang paglabas nila sa remake ng “Encantadia.”
For show lang ba?
Hindi kaya magkaroon ng violent reaction ang AlDub nation sa tsikang diumano’y may mga sighting kina Maine Mendoza at Derrick Monasterio? Diumano’y magkasama kamakailan ang dalawa sa Subic.
Handa na bang ma-bash si Derrick? Just curious, break na ba sina Derrick at Yssa Pressman (younger sister ni Yassi Pressman)?
Kaya ba hindi diretsang nasagot nina Alden Richards at Maine Mendoza ang tanong ng isang fan (studio audience sa “Eat Bulaga”) kung “sila” na ba? Anila, sa tamang panahon. Duda tuloy ng ibang tao, for show lang ang pakilig moments nina Alden at Maine. Ano nga ba?