NAGING honest ang anak nila Martin Nievera at Pops Fernandez na si Robin Nievera na hindi siya isang “sellable” artist.
Nakadalawang albums na siya pero hindi raw nabenta ang mga iyon dahil halos walang nakaalam tungkol dito.
Pero hindi iyon nakapigil kay Robin na ituloy pa rin ang kanyang pagiging musical artist. Gusto pa rin niyang iparinig sa marami ang kanyang mga sinulat na awit at ma-appreciate ang kanyang napiling musika.
Kamakailan lang ay ni-launch ng independent label na Homeworkz ang bagong album ni Robin Nievera titled “Dare.”
Ang carrier single niya ay may titulong “No More Light”.
Ayon sa 30-year-old singer, nabuo niya ang kanyang bagong album sa loob ng kanyang kuwarto.
“Believe it or not, I recorded all my eight songs in the album on my bed.
“I just used all that’s in my laptop and I only used one instrument which is my guitar.
“This only shows that things can be done — songs can be written and recorded – even in the comforts of your bed,” pagmamalaki pa niya.
Isang malaking challenge para kay Robin kung paano ima-market ang kanyang alternative-pop album. May naisip na raw silang marketing plan para mapaalam sa marami na may bago siyang album.
“Since the album has eight songs, in the next eight months we will be releasing one song.
“It’s a good way to promote all the songs that I’ve written for the album.
“I love writing songs. Whether I wrote them while I was on my bed or in my car in the middle of traffic, I make sure that people who will hear it will be able to relate to it.”
Bukod sa pagiging performer, may bubuksan din na food business si Robin called Skinny Dip.
“It’s food that you’re afraid to eat but you would dare taste!” tawa pa niya.
Pinasok na rin ni Robin ang pag-score ng isang TV series na malapit nang ipalabas. (RUEL J. MENDOZA)