MOST challenging at pinakamagandang role ever ni Bea Binene ang ginagampanan niya sa bagong Afternoon Prime series ng GMA, ang “Hanggang Makita Kang Muli” (HMKM). Siya si Ana, isang feral child na ikinulong at lumaki sa isang barn nang mahabang panahon na walang human contact. Isang aso ang kasama niya. Ugaling aso ang kinalakihan niya. Hindi siya nagsasalita, kumakahol na parang aso at naglalakad na parang aso.
Ayon kay Bea, nagdalawang-isip siya kung tatanggapin niya o hindi ang role dahil aniya, may alinlangan siya kung kaya ba niya yon? But then, naisip niyang challenging ang role, kaya thankful siya sa GMA na sa kanya ipinagkatiwala ang role. Nag-research siya, nag-workshop at nanood ng mga documentary tungkol sa feral child.
Natakot lang siya kay direk Laurice Guillen. Ani Bea, na- “award” (napagalitan, napagsabihan, natalakan) siya nito noong mga unang taping days nila. Nakulangan kasi si direk Laurice sa akting ni Bea. Muntik na siyang mag-back out sa project dahil aniya, “Sobrang pressure.”
Base sa ipinakitang audio visual presentation ng HMKM noong presscon, impressive ang performance ni Bea. Pinabilib niya ang entertainment press at iba pang nakapanood. Maganda at challenging talaga ang role niya. Plus, isang Laurice Guillen na de-kalibreng direktor ang katrabaho niya.
Nakaka-relate
Si Raymart Santiago ang gumaganap na tatay ni Bea Binene sa “Hanggang Makita Kang Muli.” He is Larry Medrano, isang architect and loving father. Aniya, somehow ay nakaka-relate siya sa kanyang role dahil in real life ay mapagmahal siyang ama sa dalawang anak nila ni Claudine Barretto na sina Sabina at Santino.
Ani Raymart, two years niyang hindi nakita ang kanyang mga anak noong nagkaproblema sila ni Claudine sa kanilang relasyon at naghiwalay. Sobrang na-miss niya sina Sabina at Santino.
Sa HMKM, si Angelika dela Cruz (as Evelyn) ang asawa ni Raymart. Nagkaproblema sila sa kanilang relasyon noong nawala ang anak nilang si Ana (Bea Binene). Siya (Raymart) ang sinisi ni Angelika sa pagkawala ng kanilang anak. It took several years bago nila ito nakitang muli.
Second time magkatrabaho sina Raymart at direk Laurice Guillen sa HMKM. ’Yung una’y sa “Second Chance” with Jennylyn Mercado.
Ani Raymart, hindi siya naa-“award” ni direk Laurice dahil kapag dumarating siya sa set, tinatanong niya agad ito kung ano’ng gagawin niya sa mga eksenang kukunan nila.
Obsessed
Si Ina Feleo, anak ni direk Laurice Guillen ang magpapahirap kay Bea Binene sa “Hanggang Makita Kang Muli” at aniya, hindi pa naman siya naa-“award” ng kanyang mommy.
“Komportable akong katrabaho si mommy. May tiwala siya sa akin. Sasabihin lang niya sa akin ang sitwasyon sa eksenang gagawin at sasabihin niyang, “Alam mo na ang gagawin.” Nag-workshop pa ako kay ate Ana (isa pang artistang anak ni direk Laurice) dahil matagal ding hindi ako umarte,” lahad ni Ina.
Sobrang bad ang character ni Ina sa HMKM bilang Odessa. Obsessed siya kay Raymart Santiago, kaya kinidnap niya ang anak nito. Ikinulong at trinatong parang isang aso.
Handa na si Ina na magagalit sa kanya ang fans ni Bea. Pero aniya, trabaho lang ’yun. Chance niya ’yun na maipapakita ang kanyang talent.
“Ito ang pinakamagandang role ko sa TV, kaya thankful ako sa GMA sa pagkakataong ibinigay sa akin. Hindi ko male-label na kontrabida role ang ipinagkatiwala sa akin. Biktima lang ako dahil may psychological disorder ang character ko,” paliwanag ni Ina.
Tampok din sa HMKM sina Derrick Monasterio, Kim Rodriguez, Jak Roberto, Luz Valdez, Marco Alcaraz, Shyr Valdez, Rita Avila, Ramon Christopher. Mapapanood ito simula sa March 7 pagkatapos ng “Wish I May” sa GMA.
Malalaman na
Sa “Destiny Rose,” ipapahiya ni Bethilda (Irma Adlwan) si Destiny (Ken Chan) sa harap ng mga empleyado sa publishing house. Tatanggalin sa trabaho, sasabunutan at ipagtatabuyan ito.
Malalaman ni Armani (Michael de Mesa) ang ginawa ni Bethilda kay Destiny. Sasabihan niya si Bethilda na wala itong karapatang gawin ’yun kay Destiny.
Mapapanood ni Lito (Joko Diaz) sa TV ang balita tungkol kay Destiny. Malalaman niyang ito rin si Joey. Ano’ng gagawin ni Lito? Matatanggap na kaya niya ang baklang anak?