Mahigit 2,000 katao na ang arestado dahil sa paglabag sa election gun ban. Ayon sa ulat ng Philippine National Police, may 2,019 katao na ang arestado dahil sa paglabag sa election gun ban kahapon ng umaga.
Sibilyan ang karamihan na may 1,945; 15 pulis, anim na sundalo, isa mula sa Bureau of Fire Protection, dalawang militiamen o Civilian Armed Forces Geographical Unit, 27 security guards, 16 government o elected officials, lima galing sa iba pang law enforcement agencies, isang miyembro ng private armed group, at isang miyembro ng threat group. Nasamsam mula sa kanila ang sari-saring baril, patalim, granada, pampasabog, at bala. (Elena L. Aben)