Labinlimang mga bahay ang natupok sa isang sunog pagkatapos maidaos ang Earth Hour noong Sabado ng gabi sa Sta. Mesa, Manila.
Ang sunog ay nagsimula sa isang bahay sa na pagmamayari ni Evelyn Veloso sa Sining St., Morning Side Subdivision, ng 9:34 p.m.
Agad na sumiklab sa ibang mga bahay ang sunog na umabot sa fourth alarm.
Naapula ang sunog ng 10:40 p.m.
Walang nauilat na nasawi or nasaktan pero P500,000 halaga ng ari-arian ang natupok at 30 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog.
Inaalam pa ng mga bumbero ang dahilan ng sunog. (Argyll Cyrus B. Geducos)