SA celebration ng ika-10th anniversary ng micro blogging site na Twitter, nakasama sa kanilang Top Five Twitter Record Breaking History ang hashtag na #AlDubEBTamangPanahon for being the Most Used Hashtag in 24 Hours.
Galing ang impormasyong ito sa website ng Guinness World Records.
Higit na 40,706,392 tweets ang nakuha ng naturang hashtag noong Oct. 24 hanggang Oct. 25, 2015.
Ito ang pinakamalaking event ng “Eat Bulaga” para sa AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub ng Kalyeserye sa The Philippine Arena.
Kasama rin sa Top Five ay ang “Vanity Fair” cover ni Caitlyn Jenner bilang the Fastest Ever Time to Reach One Million Followers on Twitter.
Si Caitlyn Jenner ay ang dating Olympian and TV reality star na si Bruce Jenner na isang transgender woman na ngayon.
Nakakuha agad ng 1 million followers si Caitlyn in just four hours and three minutes. Tinalo niya ang naging record noon ni US President Barrack Obama, Robert Downey, Jr., and Charlie Sheen.
Ang Most Tweets Per Minute ay ang Germany’s victory laban sa Argentina sa 2014 World Cup.
Humamig ng 618,725 tweets sa last 60 seconds bago matapos ang game na ginanap sa Maracana Stadium in Rio de Janeiro, Brazil.
Pasok din ang Oscar selfie ni Ellen DeGeneres bilang Most Retweeted Message in Twitter’s History.
Ang naturang Oscar selfie na kinabibilangan ni Ellen kasama sina Meryl Streep, Jennifer Lawrence, Julia Roberts, Angelina Jolie, Lupita Nyong’o, Channing Tatum, Kevin Spacey, Brad Pitt, Jared Leto at Bradley Cooper na naganap sa 86thAcademy Awards ay nakakuha ng 2.6 million retweets.
At siyempre, hindi dapat mawala ang First Ever Tweet na na-send ni Jack Dorsey (@jack) noong March 21, 2006.
Ang tawag pa noon sa service na ito ay Twttr. Ngayon bilang Twitter, meron na itong higit na 300 million active users.
According to the current estimate, higit na 350,000 tweets are sent worldwide per minute, equating to 500 million tweets per day and around 200 billion tweets per year. (RUEL J. MENDOZA)