ANIM na buwan ngang hindi nagkaroon ng teleserye na magkasama ang Kapuso loveteam na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia.
Huli silang napanood sa teleseryeng “Let the Love Begin” na nagtapos noong October 2015 pa.
Marami na nga raw fans nila ang humihiling na mapanood silang dalawa ulit sa isang teleserye.
“Oo nga po, medyo matagal na rin noong huli kaming napanood ni Gabbi na magkasama,” sey ni Ruru.
“Nagkaroon naman kami ng individual projects sa TV. Pero nagkakasama naman kami sa mga Kapuso mall shows paminsan-minsan.
“Kaya ngayon lang kami talaga magsasama sa political satire-romcom ng GMA News and Public Affairs na “Naku, Boss Ko!”
“Tungkol ito sa mga iba’t ibang characters sa political atmosphere ng bansa natin.
“Ang kakaiba rito ay ginawa nilang nakakatawa ang mga tauhan. Hulaan nalang nila kung sino ang mga ito kasi sobra nilang ginawang nakakatawa ang lahat.”
Kuwento naman ni Gabbi na pinatanda raw sila ni Ruru para sa mga role nila.
“Yes, kailangan naming maging much older sa edad namin. Tulad ko po, 18 years old lang pero they made me look 20-something. I play Che, a student activist na ipinaglalaban ang karapatan ng maraming tao dahil sa maling pamamalakad ng ilang tao sa gobyerno.
“Ruru naman here is Jojo, ginu-groom siya para maging next mayor. Pero jologs siya. Naging hero lang siya kasi may nailigtas siyang bata sa isang nasusunog na bahay.
“But we all played it comically. Gusto ng GMA na light lang at walang severe napag-atake sa kahit sino. The scenes are very funny kasi ang gagaling ng mga kasama naming ditto, like sina Ms. Tessie Tomas and Mr. Leo Martinez.”
The rom-com/satire is directed by Marlon Rivera and written by Rody Vera and Zig Dulay. This will only air for two weeks starting April 25.
After “Naku, Boss Ko!” mapapanood ang GabRu loveteam sa reboot ng GMA telefantasya na “Encantadia.” (RUEL J. MENDOZA)