DAHIL Holy Week naman, magandang balikan ang test of fate ng ating celebrities.
Isa na rito ay si Regine Velasquez na umaming dumaan siya sa isang malaking pagsubok sa buhay at ‘nagalit’ siya sa Diyos.
Ito ay inamin niya sa huling episode ng “Tonight with Arnold Clavio” kung saan siya ay nag-guest para i-promote ang kanyang pinakabagong teleserye.
Nangyari ito nang makunan siya sa dapat sana’y unang supling nila ni Ogie Alcasid.
Aniya, “The thing was, hindi ako nag-mourn, e. Hindi ako nag-mourn sa pagkawala ng baby, dahil in the beginning, the thing was I didn’t want… happy na ako sa wala akong… kasi akala ko ay hindi na ako magkaanak. I was happy with that.
“Because I was busy, I was very thin, I like being thin, alam n’yo yun? So, I thought I don’t want to have a baby.
“But, when I finally lost it, parang teka lang… gusto ko pala ’yun.”
Dito nga raw sinubukan ang kanyang faith sa Diyos.
Saad niya, “During that time, galit na galit ako sa God. Kasi nga, I lost a baby.
“Hindi ko Siya kinakausap, parang, ‘I don’t like Him.’ Alam kong may God, pero inaaway ko Siya. Ha! Ha! Ha! Pero alam kong nandiyan lang Siya.
“Parang I stopped communicating, I stopped praying.”
Sinisi ba niya ang Diyos sa pagkawala ng kanilang anak?
Pagkontra ng singer-actress, “Hindi naman. I don’t know why I have that reaction, maybe because I was depressed.
“So, when we met this pastor, parang lumabas lang sa bibig ko na parang hindi ko Siya trip during those days. Basta hindi ko Siya type at hindi ko naman alam kung bakit. Ganun lang ang nasabi ko.”
Patuloy pa niya, “So, hindi ako nakapag-mourn kasi during that time, nagsu-shoot akong ‘Darna’. ’Yung kontrabida ako, ako si Elektra.
“Buntis ako nun, walang may alam, tapos sa kagitnaan noon, nalaglag ang baby.
“So, kaagad, nagpahinga ako ng one week, bumalik kaagad ako sa work.”
Hindi nga raw niya alam na nadi-depress na pala siya noon. At nang panahong ’yun na nakuha na ni Ogie ang resulta ng kanyang annulment kay Michelle Van Eimeren, siya naman ang may problema.
Kuwento pa ni Regine, “Finally, nung makuha na ng aking asawa ang kanyang annulment, and we decided to get married, ako ’yung parang ayokong mag-asawa.
“Ang weird, parang weird ko nung mga panahong ’yun kasi I was kinda depressed.
“And, finally when we decided, hindi kami pakasal sa church. We can only do a ceremony or a Christian wedding, pero, hindi ka naman papayagang basta-basta na mag-Christian wedding, kailangang umatend kayo ng seminars.
“So, nag-seminar-seminar kami with the pastor until we finally got married.
“Ganun pa rin, wala pa rin akong anything with God.”
Nagbago na nga lang daw ito nang magdalantao siya kay Nate.
Lalo na raw nang binalik-balikan sila ng kanilang pastor para kumustahin ang kanilang buhay mag-asawa.
At sa pamamagitan nito ay unti-unti nang bumalik ang paniniwala niya sa Diyos, lalo na’t umaatend na rin siya ng fellowship meetings sa Victory Christan Fellowship.
Pag-amin niya, “Slowly, slowly, nag-built ulit ’yung relationship ko with God. Nagkaroon ulit ako ng… nawala na ’yung tampo ko. And now we’ve doing small group (fellowship) for five years.”
Na ibig sabihin ay talagang bumalik na muli ang kanyang faith at tiwala sa Diyos na isang napakagandang kuwento at inspirasyon sa ibang mga nilalang na nawawalan ng pag-asa sa buhay at gustong talikuran ang pagmamahal sa Kanya (Diyos).