Nagkaroon ng mga bashers at haters ngayon sa social media ang Pinoy rapper na si Gloc-9 dahil sa pag-perform nito sa mga campaign rallies ni Vice President Jejomar Binay.
Ayon sa isang netizen, dalawang beses na nakita si Gloc-9 (Aristotle Pollisco in real life) na nagpe-perform para sa United Nationalist Alliance (UNA) Party, ang political party ni Vice President at presidential candidate Jejomar Binay.
Una raw noong Easter Sunday sa Novelete, Cavite at pangalawa ay sa Makati para sa proclamation rally ng anak ni Binay na si Abby Binay na tumatakbong mayor ng Makati City.
Sa magkaparehong event ay inawit daw ni Gloc-9 ang kanyang bagong rap song na “Pareho Tayo” na ni-release niya noong nakaraang January lamang.
Noong ma-acquire nga raw ng Binay campaign ang naturang song noong February, itinanggi ni Gloc-9 na ini-endorse niya si Binay bilang president.
Pero iba ang paniniwala ng mga marami at pakiramdam nila na binenta na ni Gloc-9 ang kanyang kredibilidad para lamang sa pera.
Para raw kasing hindi niya na panindigan ang mga mensahe ng iba pa niyang mga rap songs tulad ng “Upuan” at “Dapat Tama” na bumabatikos sa mga political dynasties at corruption.
Isang netizen nga nanagnga-ngalang James Coronado na idol si Gloc-9 ay ito ang sinulat sa Facebook page ng rapper:
“Hindi nakita idol, Gloc-9. Isang makapangyarihan na bagay sa buong mundo ang Pera! Anu nanyare sa mga patama mong lyrics at sa mga tagos pusong mensahe para sa nakararami?”
Isa rin ang singer na si Mocha Uson na na-turn-off diumano sa rapper dahil sa presence nito sa mga Binay rallies:
“Para mo na ring ibinenta ang ating bayan sa mga politico ng alam naman na-ting hindi karapatdapat mahalal dahil sa ma-tinding corruption. Sana lang ay isinaalangalang mo ang kapakanan ng mga taong naghahangad ng tunay na pagbabago.
Nakilala ka bilang isang rapper na isinusulong ang Nasyonalismo. Ano ang nangyari sayo? Paano mo nasikmura ito?”
Pagtatanggol naman ni Gloc-9 sa kanyang mga bashers, hindi niya directly ini-endorse si Binay kundi isang performer-for-hire lang daw siya.
“Hanggat walang kamay na itinataas, dapat walang bibig na bumubukas #parasaanak, #kayod, and #labada,” post pa ni Gloc-9 sa kanyang Facebook page. (RUEL J. MENDOZA)