BUO ang suporta ni Liza Dino sa matagal nang kagustuhan ng asawa niyang si Aiza Seguerra na magkaroon ng sarili nitong anak mula sa dugo at laman nito. Kaya naman pumayag siyang sumailalim sa proseso ng In Vitro Fertilization (IVF).
“Well, our relationship goes through stages. Siguro nandoon kami sa stage na talagang gusto naming buoin yung pamil-ya namin. Our daughter is very much part of our decisions, and gusto na niyang magkaroon ng kapatid. Si Aiza naman nandoon siya sa point ng life niya na ‘he’ wants to have a kid of his own. So, the eggs are going to come from ‘him,’ and we’ll get an anonymous sperm donor. And then I will be carrying the baby. Sana having this family will really create… parang eto na iyon, eto na ’yung dreams namin together na tina-try naming i-realize,” ani Liza.
Ang tinutukoy ni Liza na daughter ay ang 8-year-old na si Amara, na anak niya mula sa kanyang previous relationship.
Natutuwa siya na parang tunay na anak na ang turing ni Aiza kay Amara, pero siyempre pangarap pa rin daw ng asawa niyang magkaroon ng anak.
Itutuloy na nga raw nila ni Aiza ngayong taon ang plano nilang magka-baby sa pamamagitan ng IVF. “Three months kaming magbe-base sa States para lang gawin itong prosesong ito. Kasi Aiza has to go to the clinic all the time,” sabi ni Liza.
Anong mga buwan sila mananatili sa Amerika? “October to December.”
Samantala, ipinagmamalaki naman ni Liza ang bagong pelikulang kinabibilangan niya na idinirehe ni Mes de Guzman, ang “Dyamper,” na isa sa mga entry sa 2nd Sinag Maynila Independent Film Festival 2016.
Salaysay ni Liza, “Tungkol ito sa mga taong tumatalon sa mga truck para magnakaw ng mga goods para ibenta, at ’yung perang iyon ang pinambibili nila sa pinapakain nila sa pamilya nila. Very rampant ito sa Norte, kung saan namin shinoot ’yung film. Alam naman nating si direk Mes galing ng Nueva Viscaya, at napakaganda nung kanyang ginagawa para i-feature or isentro ang buhay ng mga taga-probinsya.
“Asawa ako rito ng lalaking nasagasaan ng truck na tinalunan ng mga dyamper. So, doon nag-start at nagkaroon ng conflict kasi I became the object of motivation of one of the characters na dyamper, si Tinoy, para panindigan niya ’yung ginagawa niya. Binibigyan niya ako ng pagkain, dinadalhan niya ako ng bigas.”
Kasama rin sa cast ng “Dyamper” sina Carlo Aquino, Alchris Galura, Kristofer King, Tim Mabalot at Debbie Garcia.
Tatakbo ang Sinag Maynila 2016 mula April 21 hanggang April 26, 2016 sa selected SM Cinemas.