HUMINGI ng tulong ang da-ting sexy actress na si Ana Capri sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa isang lalakeng nambastos sa kanya sa Palace Pool Club sa Bonifacio Global City in Taguig City.
Hindi lang daw kasi nahipuan si Ana kundi pinagbuhatan pa siya ng kamay ng naturang lalake.
Nangyari raw ang lahat bandang alas tres ng umaga. Nagtsa-charge raw ng kanyang cellphone si Ana nang biglang may maramdaman siyang may humipo sa puwet niya.
Mga singkuwenta anyos na raw ang natu-rang lalake, ayon pa kay Ana, whose real name is Ynfanne Avanica.
Noong kumprontahin daw niya ito ay bigla raw siyang sinampal nito.
“Dumiretso talaga siya tapos biglang may gumanoon sa akin. Tapos ginanoon ko na siya, ‘What’s your problem? Why are you grabbing my ass?’
“Ako nagulat eh kasi nakakita ako ng stars. Ako ay parang na-shock,” kuwento pa ni Ana.
Dinuru-duro pa raw siya ng lalake at kahit na nagkakagulo na raw ang mga club security ay wala raw ginawa sa lalakeng nambastos sa kanya.
Imbes daw na ipaaresto nila ang lalake dahil sa ginawa sa kanya, in-escort pa raw ito ng security sa sasakyan nito.
“Iyong bouncer, hinatid at sinakay pa talaga siya sa kotse niya…
“Kung ganoon ang services, porket VIP-VIP siya ng ganito?” pagtaka pa ni Ana.
Kaya sa kanyang Instagram account ay pinost ni Ana ang words na ‘I GOT HARRASSED’ at kinaption niya ang nangyari sa kanya sa naturang club.
“Sorry guys for ranting like this. As much as i would like to put it behind me. I’m terribly still bothered with what happened to me this past weekend. I went to Pool Palace Club to have some fun but got traumatized instead. I got sexually harassed and got physically assaulted for defending myself. I asked help from their security and received a run around instead. I feel bothered, violated, insulted, and betrayed. I just cannot be quiet about this.
#poolpalace”
Ang gagawin ng NBI ay kakausapin nila ang club management at hihingi sila ng kopya ng closed-circuit television (CCTV) footage.
Ang naturang nambastos at nanakit kay Ana ay puwedeng maharap sa violation of Republic Act 9262 or the Anti-Violence against Women and Their Children Act as well as sexual harassment and physical injury. (RUEL J. MENDOZA)