KABILANG ang actress-turned-activist na si Monique Wilson sa pagkalampag sa kasalukuyang gobyerno dahil sa bayolenteng pag-disburse ng mga magsasaka sa Kidapawan City.
Sa ginawang speech ni Monique sa naganap na indignation rally noong nakaraang Friday sa Mendiola, Manila, hiniling ng aktres ang radical solution para mabigyan ng hustisya ang mga magsasaka na inabuso at nasaktan.
“Kapag sila ay nagugutom, yan ang pinakamalaking karahasang natatanggap nila.
“Ang sistemang nagpapahirap sa atin ay kailangan nating baguhin at ibagsak.
“Akala nila tanga tayo. Hindi tayo tanga. Marami tayong nakikitang kasinungalingan nila, pati ’yung pag-fabricate nila ng mga istorya, ’yung pagsabi nilang naimpluwensiya lang daw ng kaliwa ang mga magsasaka ay mali.
“Nandoon sila sa protestang ’yun dahil gutom sila. Hindi tayo makakakuha ng hustisya sa kahit na anong issue kung hindi tayo mag-wage ng revolution.”
Dalawang tao ang nasawi at marami ang nasaktan nang mag-open fire ang mga pulis sa mga protestors na naka-human barricade sa Cotabato-Davao highway.
Inaresto ang higit na 70 protesters, kasama na rito ang mga matatanda at tatlong babaeng buntis.
Binatikos nga ni Monique si President Noynoy Aquino sa pananahimik nito sa naturang issue.
Samantalang nagpasalamat naman ang aktres sa ginawang participation ng mga kasamahan niya sa showbiz industry tulad ni Robin Padilla at Ms. Nora Aunor.
“So honored to march and speak alongside our Superstar Nora Aunor, undoubtedly one of the greatest actresses of this world.
“Not only is she an astounding artist, she has also always been for the people and with the people, and is the most real and humble person.
“She travelled 15 hours from Bicol where she is filming, and then heading back right after the rally, just to be here in solidarity with our farmers.
“Salamat Ate Guy. One of my brightest inspirations, both as an actress and as an amazing human being. Hope all the younger actors today follow in your shining footsteps of devotion and care and love for the people.
“The fight continues! Justice for our Kidapawan farmers. We need to #rise4revolution #bigashindibala #foodnotbullets.”