TINAWANAN lang daw ni Matteo Guidicelli ang patutsada sa kanya sa Twitter ni Teddy Boy Locsin, Jr. Tinawag kasing pathetic ni Teddy Boy ang pag-imitate raw ni Matteo sa isang Italian lalo na ang accent sa pagsasalita ng ginagampanang karakter ng aktor na si Gian Carlo de Luca sa ABS-CBN primetime teleseryeng “Dolce Amore.”
“Wala, tumawa lang ako dahil na-research ko naman ’yung mga accent na iyan kasi Italyano naman ako and kumbaga natrabaho naman natin ’yung character na iyan,” sabi ni Matteo.
Di ba may nagga-guide rin naman sa kanila sa set? “Meron din, we have an Italian tutor there just to make everything proper. But aside from that, I grew up from an Italian family, I’ve done my research, I speak the language and marami akong pegs and everything.”
May gagawin ba siyang improvement? “Hindi naman sa improve, I just kept what I started with. Kumbaga if we’re talking about the accent, I just kept what I started with. Siyempre everyday naman is a learning process, and si direk Mae (Cruz-Alviar) naman is guiding us very well. Ayos naman lahat.”
Ayon pa kay Matteo, aware rin daw siya sa iba’t ibang criticisms na natatanggap niya sa kanyang pagganap sa “Dolce Amore.” Positibo man o medyo negatibo, tinitignan niya raw ang mga ito bilang creative criticisms. “It’s very nice, I guess, because it’s creative criticisms, di ba? So, masaya dahil ‘Dolce Amore’ is rating very well and a lot of comments, a lot of nice and bad comments online. So, it’s very nice that the people are very interested in the soap and it’s all because of our writer, Kuya Mark (Duane Angos) and our directors, si direk Mae and si direk Richard (Arellano), they are just excellent people, ang galing nila.”
Naaapektuhan ba siya ng criticisms? “Hindi naman, dahil you know, all of us, Liza (Soberano), Ms. Cherie Gil, Enrique (Gil) and myself, all of us we just give our best all the time, di ba? We researched our characters well.”
(GLEN SIBONGA)