NALAGAY sa alanganing situwasyon ang dating Kapuso child actor na si Buboy Villar dahil sa pag-post niya sa kanyang Instagram account ng photo ng nababalitang girlfriend niyang nagngangalang Angillyn Serrano Gorens.
Tinawag ni Buboy na “mahal ko” ang naturang girl noong una niya itong i-post noong February at noong nakaraang April 9 lamang.
Marami ang natuwa dahil sa wakas ay may matatawag nang girlfriend si Buboy.
Tuwing tinatanong kasi siya noon kung meron ba siyang nililigawan, laging sinasagot niya ay wala dahil mas importante raw ang magtrabaho muna siya.
Pero nakahanap na nga ng inspirasyon si Buboy at wala namang masama kung maging proud siya sa babaeng mahal niya ngayon.
Pero biglang nag-react nga ang pamilya ng nababalitang girlfriend ni Buboy.
Sa pamamagitan ng Facebook, nag-post doon ang kapatid na babae ni Angillyn na si Veybillyn Serrano Gorens.
Nilinaw nga nito ang tungkol sa diumanong relasyon ng kanyang kapatid kay Buboy Villar.
Nagulat daw kasi ang kanilang ina noong ipagsigawan ni Buboy na girlfriend na nito si Angillyn.
Ang katotohanan daw ay nanliligaw pa lang si Buboy kay Angillyn.
Hindi raw nila nagustuhan ang ginawa ni Buboy na pag-post ng photo ni Angillyn sa social media dahil menor de edad pa raw ito.
Heto ang post ni Veybillyn sa Facebook:
“Our parents are not aware of what is going on between Buboy Villar and my sister.
“My parents only allowed him to visit and get to know each other but no relationship yet because she is still a minor.
“The last time my mom spoke to Buboy Villar they both agreed that he is going to come visit and start courting my sister like a Filipino.”
“Unfortunately she didn’t expect that this will be posted and be trended on social media. She didn’t like how Buboy Villar talked on social media about having a relationship already.” (RUEL J. MENDOZA)