Aabot na sa 3,000 ang naitalang violations ng Metropolitan Manila Development Authority simula ng ipatupad nito ang no-contact apprehension policy noong Abril 15.
“Since the policy was re-launched, we have recorded 2,962 traffic offenses since policy was launched on Friday last week,” sinabi ni Goddess Hope Libiran, MMDA public information officer, sa kanilang programa sa radyo kahapon. Ayon sa MMDA, karamihan sa mga violations ay naganap sa EDSA sa umaga at hapon kung kailan mabigat ang trapik at madaming tao.
Sinabi ni Ronnie Rivera, No Contact Apprehension Policy head, na karamihan sa mga violators ay public utility vehicle drivers na nagsasakay at nagbababa sa mga bawal na lugar. Sinigurado ni Libiran na masusi nilang pinagaaaralan ang bawat violations kung tama ito bago nila ipadala ang mga summons sa mga violators na may pagkakataon upang kontrahin ito. (Anna Liza V. Alavaren)