HINDI nababahala ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio sa akusasyon ng ilan na kaya siya naglabas ng kanyang self-titled album ay dahil gusto niyang kumpe-tensyahin si Alden Richards.
Ayon kay Derrick, matagal nang plano ang album niya. Inabot na raw ng higit five years bago ito na-buo. Tsaka ginawa ang album, hindi para makipag-compete kay Alden kundi para ma-fulfill ang matagal na niyang dream.
“Bata pa lang po ako, hilig ko na ang music – hilig ko na ang kumanta.
“I was a member of the Claret School for Boys choir for many years. Nakapag-compete pa kami noon sa Europe sa isang international choir competition.
“Until napasok ko ang showbiz. Una kong gusto talaga ay maging isang singer. Kaya ang magkaroon ng album ay isang dream come true for me.
“Kaya huwag sana nilang bigyan ng kung anumang istorya ang pagkakaroon ko ng album kasi katuparan ito ng matagal ko nang dream,” ngiti pa ni Derrick sa launch ng kanyang album na “Derrick Monsterio” under GMA Records.
Regarding Alden, aminado si Derrick na mahirap nang mapantayan ang five-time Platinum album nito na “Wish I May”.
“Phenomenal ’yung album ni Alden. Ibang klaseng sumuporta sa kanya ang mga fans nila ni Maine (Mendoza).
“Kaya hindi ko ini-expect na maabot ko ang gano’ng status.
“Happy na ako kapag nabalitaan kong nabebenta siya at marami ang nagda-download ng mga songs ko.
“I just want my fans to listen and enjoy the songs in my album,” diin pa niya.
With regards to competition with Alden, para kaya Derrick ay walang gano’n sa kanila ng Pambansang Bae.
“Wala pong competition sa pagitan namin ni Alden. Kaibigan ko po si Alden at sobra akong masaya sa narating na niyang success.
“Magkasama pa kami niyan since ‘Tween Hearts’ pa. Hanggang sa ‘Party Pilipinas,’ ‘Sunday All-Stars’ at sa mga regional shows namin.
“Never kaming nagkaroon ng competition dahil magkaibigan kami.”
Ang carrier single ng album ni Derrick ay “Give Me One More Chance”.
Kasalukuyang napapanood naman si Derrick sa afternoon teleserye ng GMA-7 na “Hanggang Makita Kang Muli.”
(Ruel J. Mendoza)