KINANSELA ng GMA Network ang huling hirit sa vice-presidentiables election debate. Dapat sana’y ngayong Linggo at 5 p.m. ito gaganapin. Ayon sa isang Kapuso insider, may mga prior commitment na ang mga VP candidates at kasagsagan na ng kanilang kampanya. Hindi na diumano maisisingit sa kanilang super hectic schedule ang imbitasyon ng GMA para sana sa huling hirit na debate ng mga VP aspirants.
Sayang naman ang effort ng Kapuso Network na mabigyan sana ng huling pagkakataon ang vice presidentiables sa kanilang debate on national TV. Ilang araw nalang at election na. Magkakaalaman na kung sino ang mga iboboto ng sambayanang Pilipino para sa mga bagong mamumuno ng ating bansa.
Sana lang, vote wisely at pag-isipang mabuti kung sino ang karapat-dapat iboto. Dapat tama, ang parating paalala ng GMA Network sa mga botante.
Complete package
Nasa UP noong April 27 si Benjamin Alves at nagbigay siya ng career talk sa mga estudyante ng UP College of Mass Communication. Masayang ibinahagi ng Kapuso actor ang kanyang istorya at mga ideya sa mga estudyante.
“I’m happy na nabigyan ako ng pagkakataong makabisita sa UP at makasalamuha ang mga estudyante. It’s not just inspiring them, it’s more of sharing my experiences with them. It’s just nice to be in the campus, all the students na nakita ko, they have so much ahead of them. They have so much potential,” wika ni Benjamin.
Ang ginawa niyang career talk ay bahagi ng activities niya bilang ambassador ng GMA Network Excellence Awards.
Perfect choice si Benjamin dahil complete package siya. Bukod sa pagiging dedicated actor, summa cum laude pa siya noong college siya. Graduate si Benjamin ng isang prestigious university sa Guam, USA. Hindi kataka-takang siya ang pinili ng GMA para maging ambassador.
May gulat factor
Nag-record na sina Dennis Trillo at Heart Evangelista ng kantang “Ako’y Kasama Mo,” theme song ng upcoming TV series nilang, “Juan Happy Love Story.” May pagka-naughty ang song na ibinagay sa tema ng kanilang GMA teleserye na isang romcom na may pagka-naughty at sexy.
Ayon sa source na ’andu’n sa recording nina Dennis at Heart, natatawa ang dalawang Kapuso stars habang nagre-recording. Naaalala raw kasi nila ang kanilang naughty scenes noong nag-taping sila ng kanilang romcom series.
Kakaiba ang karakters nina Dennis at Heart sa JHLS na hindi aakalaing magagampanan nila. May gulat factor sa kanilang fans and supporters kapag napanood nila ang romcom series na si LA Madridejos ang director.
Kasama sa cast ng JHLS sina Gloria Romero, Lotlot de Leon, Gardo Verzosa, Dominic Roco, Kim Domingo, among others.
Sa May 16 ang simula nito sa GMA Telebabad.
Kaabang-abang
Tiyak na “mabubuhay” muli ang isyu kina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Magtatambal sila sa isang pelikula sa ilalim ng direksyon ni Dan Villegas.
Matatandaang naging “item” noon sina Gerald at Bea. May violent reaction ang Kimerald fans nina Gerald at Kim Chiu.
Binantaan nila diumano na sasabuyan nila ng asido sa mukha si Bea kapag nakita nila ang aktres. May death threat din noon kay Bea.
Natatandaan pa naming umiyak at nag-walk out si Gerald sa isang presscon nila noon ni Kim Chiu.
Parehong single ngayon sina Gerald at Bea. Hindi kaya this time ay matuloy na ang naudlot na “something” between them? Abang-abang na lang.
Balik-primetime
Ngayong Lunes na ang simula ng “Once Again” nina Janine Gutierrez at Aljur Abrenica after “Poor Señorita” sa GMA Telebabad.
Balik-primetime si Janine matapos ang morning show niyang “Dangwa” na pinagsamahan nila ni Aljur. Huling napanood si Aljur sa primetime series na “Kambal Sirena” with Louise de los Reyes in 2014. Excited si Aljur sa bago nilang tambalan ni Janine na wish niyang suportahan din ng Kapuso televiewers.
Tampok din sa “Once Again” sina Sheryl Cruz, Thea Tolentino, Jeric Gonzales, Emilio Garcia, Joko Diaz, Chanda Romero, Timmy Cruz. May special participation sina Christopher de Leon, Bembol Roco, Irma Adlawan, Shamaine Arnaiz at Phytos Ramirez with Don Michael Perez at the helm.