SUCCESSFUL ang naganap na launch ng bagong single ng Kapuso singer-actor na si Mikoy Morales noong nakaraang April 28 sa The Music Hall @ Metrowalk in Pasig City.
Ni-launch ni Mikoy ang sinulat niyang song na may titulong “Ang Pusong Hindi Makatulog”.
Kuwento ni Mikoy, tatlong taon ang inabot bago niya natapos isulat ang naturang song.
“It’s all about missing somebody. It’s also about broken hearts. At ’yung mga sleepness nights dahil may iniisip tayong mabigat. Maraming kuwento ang single kong ito.
“Ilang beses ko siyang binabalik-balikan para tapusin. I wanted to find the right lyrics for it.
“Kailangan ko lang siguro ng tamang inspiration. When it came, doon ko na natapos ang song.
“It’s a beautiful song kaya ito ang una kong ni-launch na single. This will be a part of an EP (Extended Play) album that will come out soon.”
Matatawag ngang jack-of-all-trades si Mikoy dahil hindi lang siya singer, songwriter at actor. Producer din siya at punung-abala rin siya sa naging launch ng single niya.
“I have a team who helps me in everything. We scouted for the venue, we prepared the press kits, the posters, the marketing materials, repertoire, we rehearsed with the band, conditioned my singing, the tickets – everything.
“Marami pa tayong gustong gawin sa buhay. Do it while you’re young, ’di ba?
“But now, I want to really focus on my music kasi ito ang first love ko.”
During the launch, dumating ang kanyang pamilya, mga kaibigan, business partners at mga showbiz friends tulad nila Joyce Ching, Jeric Gonzales at ang nababalitang girlfriend niyang si Thea Tolentino.
On his Instagram, nagpasalamat si Mikoy sa mga taong sumuporta at ginawang successful ang event niya.
“Sa hatinggabi, nag-i-isip ako ng mga salitang makapagsasabi ng nararamdaman ko. Wala. Kahit sundan ko, wala. Salamat. Salamat sa pakikinig sa mga puso namin, at hinayaan n’yo kaming tapikin ang inyo. Salamat sa pagpunta. Salamat sa pagtangkilik sa OPM. Ipahinga n’yo muna ang mga puso niyong hindi makatulog dahil simula pa lang ito. Maraming salamat.” (Ruel J. Mendoza)