NANANATILING loyal Kapuso si Rhian Ramos. Muli siyang pumirma ng panibagong kontrata sa GMA Network. Homegrown talent si Rhian ng Siyete at for the past ten years ay ito ang kanyang home studio.
She was 15 years old noong nag-umpisa siya sa GMA, kaya aniya, masaya siyang ipagpatuloy ang great relationship nila ng network. “It’s pretty much my family. Dito ako lumaki and I’m very excited to work on my new project this year,” lahad ni Rhian na huling napanood sa “My Richman’s Daughter.”
Present sa contract-signing sina GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe Gozon, GMA Entertainment TV’s Senior Vice President Lilybeth Rasonable, GMA Consultant for Business Development Department 11 Marivin Arayata, GMA VP for Drama Production Redgie Acuna-Magno, GMA Senior Assistant VP for Alternative Production Gigi Santiago-Lara, GMA Assistant for Drama Production Cheryl Ching-Sy, Entertainment Senior Program Manager Bang Arrespacochaga and Rhian’s manager Ronnie Henares.
“Rhian is a very great actress. So, we are very thankful that she signed up with us again,” pahayag ni Atty. Felipe Gozon. Ayon naman kay Ms. Lilybeth Rasonable, may binubuo na silang isang bagong soap opera for Rhian. Bibigyan din nila ito ng hosting stints. “She is extremely talented and professional,” wika ni Ms. Lilybeth.
Free training
Good news sa Filipino athletes. Bilang pagtulong sa kanila, isang may dakilang pusong doktor, si Dr. Isagani Leal, ang nag-o-offer ng libreng training para sa mga atleta ng kahit ano’ng larangan. Nagtayo siya ng Sports Performance Enhancement training gym para sa mga athlete at sports enthusiast. First of its kind ang training facilities na may state-of-the art at cutting-edge sports equipment na makakatulong sa mga atleta, tri-athletes at sports enthusiasts para ma-improve ang kanilang skills at ma-achieve ang kanilang highest potential.
Si Dr. Leal ang kauna-unahang Musculoskeletal Rehabilitation Medicine specialist sa ating bansa. Non-surgical operation ang ginagawa niya sa mga nagkakaroon ng muscle injuries at sa treatment sa musculoskeletal pains at spinal problems (back pain, neck, shoulder, knees, foot, hands, etc.). Si Dr. Leal ang president/director at founder ng Center for Musculoskeletal Science-Asia (CMS-Asia).
Si Dr. Leal ang first Filipino certified AIBA Ringside Physician at member ng International AIBA Medical Board Committee, Sports Physician ng ABAP Philippine Boxing Team, GILAS Pilipinas National Basketball Team at PBA’s Talk ‘n Text, Meralco Bolts Rain or Shine at FEU athletes.
Nagtapos siya ng Medicine sa MCU-FDTMF College of Medicine in 1994. Ang magkapatid na Phil at James Younghusband, Azkals football players, ay nagte-training doon.
Looking forward si Dr. Leal na mabisita ni Manny Pacquiao ang kanyang gym at makita nito ang equipments at facilities na ginagamit. Baka raw maengganyo ang Pambansang Kamao na subukang mag-training doon.
Di gimmick
Hindi pala gimmick ’yung tsikang may “something” sina Barbie Forteza at Kiko Estrada. Ayon sa isang mapagkakatiwalaang source, totoong nagkakamabutihan ang dalawa. Patapos na ang “That’s My Amboy,” teleserye ng pinagsamahan nina Barbie at Kiko noong lumutang ang tsikang nagkakamabutihan sila.
Hindi naman sila ang magkapartner dahil si Andre Paras ang love interest ni Barbie sa TMA. Tsika ng source namin, nagkaroon diumano ng falling out sina Kiko at Kim Rodriguez, kaya nag-break ang dalawa.
Hindi kaya maakusahan si Barbie na third party sa hiwalayan nina Kiko at Kim? Aminin naman kaya nina Barbie at Kiko na may namamagitang “something” between them? Abang-abang na lang.
Magtatanan
Sa “Once Again,” malalaman ni Lucas (Phytos Ramirez) ang planong pagtatanan nina Reign (Janine Gutierrez) at Edgar (Aljur Abrenica). Palalayasin ni Cecilia (Irma Adlawan) si Edgar nang mahuli niya itong nag-eempake ng mga damit.
Ipapaalam ni Lucas kay Ricardo (Christopher de Leon) ang planong pagtatananan nina Edgar at Reign. Hahabulin nina Lucas at Jason sina Edgar at Reign. Bubugbugin nilasi Edgar, ilulublob sa tubig hanggang mamatay ito.