HINDI nahiyang i-share ng international Filipino star at award-winning theater actress na si Lea Salonga na naranasan niya ang discrimination sa mundo ng teatro dahil sa kanyang pagiging Asian.
Sa kanyang Twitter account, ni-recall ni Lea na binatikos ng ilan ang kanyang pagiging Asian at hindi raw siya puwedeng gumanap ng roles na para lang sa Caucasians actors.
Kinuwento ni Lea ang hangad niya noong mag-audition for the role of Eliza Doolittle in “My Fair Lady” on Broadway noong magtapos na ang run ng “Miss Saigon.”
Pero hindi nga raw siya bagay sa role na Eliza dahil isa siyang Asian.
Kuwento ni Lea na tinawagan daw siya ng kanyang agent at sinabi sa kanya ang hindi magandang news.
“That time I was told I couldn’t be seen for ‘My Fair Lady’ because I was Asian. And I already won my Tony.#MyYellowFaceStory” tweet pa ni Lea.
Pero hindi nasira ang mga pangarap ni Lea dahil lamang sa pagiging Asian niya.
Pinatunayan niyang ang talento ng isang tao goes beyond his or her race.
Pagkatapos niyang manalo ng ilang theater awards including the Tony Awards for best actress in a musical for “Miss Saigon” in 1991, lumabas si Lea bilang si Eponine sa “Les Miserables” on Broadway in 1993.
Gumanap din siya bilang Fantine sa 25th anniversary presentation ng “Les Miserables” sa London kung saan nakasama pa niya si Nick Jonas in 2010.
Both roles ay ginagampanan ng Caucasian actors. Pero dahil sa husay ni Lea, nabukas ang roles na ito para sa Asian actors.
Kabilang na rito ay si Rachelle Ann Go na gumaganap na Fantine sa “Les Miserables” in London.
Ito ang kuwento na ibinahagi ni Lea sa kanyang #MyYellowFaceStory bilang suporta sa race equity sa theater world.
(RUEL J. MENDOZA)