Nasugatan ang mag-ama samantalang 100 pamilya ang nawalan ng tahanan sa isang sunog sa Quezon City kahapon ng umaga.
Kinilala ni Fire Supt. Jesus Fernandez, Quezon City fire marshal, ang mga biktima na sina Concepcion Patricio, 55, at ang kanyang anak na babaeng si Patty.
Ang sunog na tumupok sa 50 bahay ay nagsi-mula umano sa bahay ng mga Patricio sa Area 7, Barangay Botocan ng 8:07 a.m. malapit sa Camp Karingal, himpilan ng Quezon City Police District.
Kaagad na kumalat ang sunog sa iba pang bahay na gawa sa light materials. Tinatayang nasa P300,000 ari-arian ang natupok sa sunog na hinihinalang sanhi ay ang nagoverheat na bentilador.
“Ang sabi ng may-ari ng bahay, ’yung isang electric fan daw na nakasaksak at nag-overheat ang tinuturong naging dahilan ng sunog,” Fernandez said. Naapula ang sunog na umabot sa ika-limang alarma ng 9:13 a.m.