NAGSIMULA na noong Linggo (May 8) ang album tour ni Derrick Monasterio. Ginanap ‘yun sa Fairview Terraces at masayang-masaya at thankful ang GMA Artist Center talent at Kapuso star sa mainit napagtanggap ng kanyang fans and supporters.
“Excited akong i-promote ang album ko sa iba’t ibang mall,” ani Derrick.” At least, may chance akong Makita sila at maka-bonding kahit sandali lang.”
Sunod na mall tour ni Derrick ay sa May 21 sa Starmall, Bulacan. Then sa SM Bacoor on May 29, SM Tower Mall (June 5), SM Baliuag (June 11), SM Cabanatuan (June 19) at SM Marilao (June 26).
Ang kanyang self-titled debut album under GMA Records ay maaaring i-download via iTunes, Amazon Music, eMusic, and Quboz. Ang physical copies ay available sa Astroplus, Astro Vision, Landmark, SM music and video record outlets nationwide. Maaari ring mag-order sa pamamagitan ng Lazada.com.ph
Bentang-benta
Bentang-benta kay Carla Abellana ang jokes ng boyfriend niyang si Tom Rodriguez. Siya ang Number 1 fan ni Tom at kahit corny pa ang jokes nito, laugh pa rin si Carla.
Hindi naman kaya dahil love niya si Tom, kaya “sinasakyan” nalang niya ang jokes nito kahit corny? Malamang!
Ayon naman kay Tom, sobrang saya siya kapag magkasama sila ni Carla. Gustung-gusto rin niya itong katrabaho dahil never a dull moment with her. Sobrang gaan daw katrabaho ang kanyang girlfie.
Request lang ng TomCar fans nila, sana’y mapanood na nila ang kanilang mga idolo sa isang teleserye. Sana raw ay pagbigyan naman sila ng GMA Network. Abang-abang na lang.
Kontrabida
Kasama sana si Joross Gamboa sa pelikulang gagawin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Pero nag-beg off siya dahil may gagawin siyang teleserye sa GMA7, ang “Juan Happy Love Story.” Nauna ang offer ng Siete at nakapag-commit na si Joross.
Sa JHLS, gaganap siya bilang Bob, childhood best friend ni Heart Evangelista (as Happy). May lihim siyang pagtingin kay Happy. Kontrabida ang role ni Joross at aniya, ibang atake ang ginagawa niya para maiba sa karaniwang sukatan ng pagiging kontrabida.
“Naughty romcom ito, kaya may halong comedy ‘yung pagiging kontrabida ko. Nakakaaliw, nakakainis ang karakter ko na isang mayabang,” lahad ni Joross.
Certified dad na rin si Joross in real life. Proud father siya sa firstborn son nila ng wife niyang si Katz Saga na si Jace Kyler. Eight months old na ang bagets at ani Joross, iba pala ang feeling ng isang tatay.
Kapag may trabaho siya, nami-miss niya ang kanyang anak. Gusto niyang umuwi agad para makita ang kanyang baby. Iba raw ’yung naidudulot na saya, lalo na’t nginingitian siya nito. Tanggal ang pagod niya sa pagtatrabaho, ani Joross.
Mapagmahal sa pamilya
Sobrang malapit at mapagmahal sa kanyang pamilya si Aljur Abrenica. Kaya naman, kahit gaano siya ka-busy sa kanyang trabaho, he sees to it na may time siya for his family.
“Every week, nagba-bonding kami. Iba ’yung feeling kapag kasama ko ang pamilya ko. Sobrang saya ko. Kahit ano’ng mangyari, sila lang ang maaasahan ko,” saad ng star ng “Once Again.”
Thankful si Aljur sa magagandang feedback at komento ng Kapuso viewers sa GMA series nila ni Janine Gutierrez.
Mamaya sa “Once Again,” masasabi ng manghuhula kay Agnes (Sheryl Cruz) na mababawi niya ang nawawalang anak niya.
Possessive si Celeste (Thea Tolentino) kay Aldrin (Aljur Abrenica).
Magpapa-bake si JV kay Aldrin ng red banana cake na ireregalo niya sa kanyang nililgawan. Mag-o-offer si Agnes ng scholarship kay Des (Janine Gutierrez). Magiging viral video ang pagtataray ni Celeste kay Des.