KAYA raw niyang magpanalo ng kandidato. ’Yan ang natatandaan naming sinabi noon ni Daniel Padilla nang pumayag siyang maging endorser ni Mar Roxas. Eh, bakit kaya natalo ito sa presidential race?
Hindi kaya sinuportahan ng fans ni Daniel ang inendorso niyang presidential candidate? Sanib-puwersa pa sila ni Kathryn Bernardo sa pagsuporta kay Mar Roxas. Solid ba naman ang KathNiel fans sa pagboto sa inendorsong kandidato ng kanilang mga idolo?
May tsika pang diumano’y itiniwalag si Kathryn bilang miyembro ng INC (Iglesia ni Cristo) dahil sa pag-endorso niya kay Mar Roxas. Wala pa ring pahayag si Kathryn hinggil sa isyu.
No talk din siya sa isyung diumano’y isa na siyang Christian. Naipost ito sa social media account ng isang friend niya.
Ipinagpaliban
Ipinagpaliban muna ni Louise de los Reyes ang balak niyang pumasok sa isang Law school. Dream niyang maging isang lawyer. Pero dahil hindi kakayanin ng kanyang schedule na pagsabayin ang pag-aaral at career, isinantabi muna niya ang pag-aaral.
May bago kasi siyang teleserye sa GMA7, ang “Magkaibang Mundo”. Ayon kay Louise, hindi naging madali ang pagdedesisyon niya. Magandang project ang ibinigay sa kanya ng Kapuso Network at matagal-tagal na rin siyang naghintay na magkaroon muli ng panibagong pagkakaabalahang teleserye.
Huling napanood si Louise sa “Kambal Sirena,” kaya na-miss niya ang paggawa ng teleserye. Si Juancho Triviño ang love interest ni Louise sa “Magkaibang Mundo” at first time nilang magkatrabaho.
Kasamasa cast sina Gina Alajar, Rez Cortez, Assunta de Rossi, Maricar de Mesa,JamesTeng, Liezel Lopez with Mark Sikat de la Cruz at the helm. Mapapanood ang “Magkaibang Mundo” simula sa May 16 sa GMA Aftenoon Prime.
Naaksidente
Thankful si Mark Herras na walang grabeng nangyari sa kanya noong naaksidente siya a few days ago. Bahagya lang nasugatan ang kanyang paa nang sumalpok ang minamaneho niyang sasakyan sa isang poste somewhere sa Katipunan road sa QC.
May bigla raw kasing nag-overtake na sasakyan, kaya nakabig ng Kapuso actor ang manibela pakaliwa, dahilan para sumalpok ang kanyang sasakyan sa isang poste.
Samantala, abangan si Mark sa guesting niya ngayon sa “Yan ang Morning.” Ibabahagi niya ang kaalaman niya sa pagdisiplina sa anak. Unwed father si Mark at may 3-year-old daughter siya named Ada.
Guest din sa YAM si Paolo Paraiso na isa ring unwed father. May dalawa siyang anak kay Mylene Dizon. Hosted by Marian Rivera-Dantes, pag-uusapan sa YAM kung dapat ba o hindi dapat paluin ang isang pasaway na anak? O, daanin ito sa reward system?
May suggestion naman si Marian na ipagluto ng masarap at bagong paraan ng paghahain ng paboritong fried chicken ang pasaway na bagets. Tutok lang sa YAM at 10:45 a.m., Monday to Friday, sa GMA7.
Kasali rin
Kasali rin si Sunshine Dizon sa requel ng “Encantadia.” Nag-create ng bagong karakter na gagampanan niya, kaya sobrang excited at happy siya, ayon kay Sunshine.
Akala raw niya’y si Dingdong Dantes lang ang kasali sa requel na ito. Dalawa silang kasama sa original cast ng unang version nito na ipinalabas ten years ago. Si Sunshine ang gumanap bilang Pirena na sa requel ng “Encantadia” ay kay Glaiza de Castro naman ipinagkatiwala ang naturang role.
Tinext nga ni Sunshine si Glaiza at binate ito noong nalaman niyang ito ang gaganap bilang Pirena. Right choice si Glaiza, ani Sunshine.
Pinasukatan na si Sunshine para sa kanyang costume sa requel ng “Encantadia” at aniya, na-excite siya noong ipinakita sa kanya ang sketch nito. Kailangan daw niyang magbawas pa ng timbang para maging fit siya bago magsimula ang taping.
Mapagkakamalan
Mamaya sa “Once Again,” magugulat si Aldrin (Aljur Abrenica) na mapagkakamalan siya ni Carol na siya si Edgar.
Tatanggapin ni Nancy (Timmy Cruz) sa trabaho bilang utility girls sina Des at Daday (Annalyn Barro). Sisitahin ni Celeste si Des.
Isasama ni JV (Jeric Gonzales) sa isang theme park sina Des at Daday. May maaalala si Des noong nakita niya ang carousel. ’Andun din si Aldrin at magkakatinginan sila.