LABIS ang ginawang pasasalamat ng character actor at Kapuso kontrabida na si Neil Ryan Sese dahil natuloy ang pagpunta niya sa Cannes International Film Festival para makasama sa entourage ng pelikulang “Ma Rosa” na dinirek ni Brillante Mendoza.
Kabahagi ang “Ma Rosa” sa mga pelikulang in competition this year sa Cannes. Ang mga co-star dito ni Ryan ay sila Jaclyn Jose, Andi Eigenmann, Felix Roco at Julio Diaz.
Dahil sa fund-raising movement na “Help Send Neil Sese to Cannes” ay natupad ang wish ng aktor na makarating sa Cannes para makapaglakad siya sa red carpet.
Noong birthday ng aktor noong April 30 nagsimula ang fund-raising via Instagram.
Ang gagawin lang ay bumili ng t-shirt na nagkakahalaga ng P500. Ito kasi ang business ng aktor.
Kailangan lang ng 140 shirts na mabenta para matustusan ang airline ticket at iba pang kailangan ng aktor sa pagbiyahe niya to France.
Hindi naman nabigo ang aktor dahil marami siyang mga kaibigan sa industriya na tumulong na matupad ang kanyang wish.
Kaya noong nakaraang May 11, nag-post si Neil ng kanyang pasasalamat sa mga taong nag-abot ng tulong para sa kanyang pagpunta sa Cannes.
“And We are heading to Cannes!!!! 140pcs of shirts sold!!!! Just like how every speaker start their speeches in debuts, weddings, awardings, etc. … I don’t know what to say… I am speechless. (Lol) I must have done something right to deserve all this LOVE. I am blessed to have friends like you!
“Thank you to all of you who believed and supported me! You will always be in my heart until the day I die! And just like what I said before… Kasama kayo sa puso ko pag dating ko ng Cannes! Tgbtg!!!!”
Nabigyan ng big break bilang kontrabida si Neil sa GMA teleserye na “Munting Heredera” in 2011. Nagsunud-sunod na ang kanyang villain roles sa mga teleserye na “Pahiram Kahit Sandali,” “Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa,” “My Daddy Dearest,” “Indio,” “Anna Karenina,” “Adarna,” “Nino,” “Let the Love Begin,” “Healing Hearts,” “Beautiful Strangers” at “Wish I May.” (RUEL J. MENDOZA)