Humingi ang Iglesia ni Cristo (INC) ng paumanhin at pang-unawa sa publiko at mga motorista na naapektuhan ng kanilang medical at dental mission at charity work sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City, kahapon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Bro. Edwil Zabala, INC spokesperson, na bihira lamang na magsagawa ang kanilang simbahan ng ganitong aktibidad sa lugar para matulungan ang mga mahihirap at ang mga taong nangangailangan.
“Ang Iglesia Ni Cristo (INC) ay kasalukuyang nagsasagawa ng Lingap sa Mamamayan na susundan ng isang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos.
Nagpapasalamat po kami sa patuloy na pang-unawa ng mga kababayan natin na naantala ang paglalakbay dahil sa pagbigat ng daloy ng trapiko rito sa Commonwealth Avenue,” Zabala said.
“Sisikapin naming tapusin ang buong aktibidad ng hanggang 8 p.m. (Martes. Pero ang permit ay hanggang 12 midnight para bigyang-daan ang pagliligpit at paglilinis,” he added.
Base sa estima ng Philippine National Police (PNP), nasa 80,000 ang bilang ng mga taong lumahok sa medical at dental mission at charity work sa Commonwealth Avenue hanggang sa oras na alas-2:30 ng hapon, ayon kay Zabala.