MAY bagong business venture si Bea Binene. Nagbebenta siya online at sa mga bazaar ng bags na siya mismo ang nagde-design, katulong ang business partner niya at fashion stylist na si L.A. Ferriols.
The Style Bin ang name ng bag line ng Kapuso star. Kahit abala si Bea sa kanyang showbiz career, kinakarir din niya ang pag-iisip ng mga kakaibang designs ng bags na ibinebenta niya. ’Yung one-of-a-kind para pumatok sa buyers.
Nag-YouTube pa
Nag-pictorial na ang mga sang’gre na gaganap sa requel ng “Encantadia.” Tuwang-tuwa at excited sina Kylie Padilla (as Amihan), Glaiza de Castro (Pirena), Sanya Lopez (Danaya), at Gabbi Garcia (Alena).
Nagustuhan nila ang kanilang costumes na si Francis Libiran ang designer. Talagang pinaghandaan at pinag-isipan ang costumes ng mga sang’gre at ayon kay Libiran, nag-YouTube pa siya at ni-research ang bawat karakter ng apat na sang’gre.
“Tiningnan ko ang pictures nila para ibagay ang designs ng kanilang costumes,” ani Libiran. Kaabang-abang din ang costumes ng male cast sa requel ng “Encantadia” tulad nina Ruru Madrid, Rocco Nacino, Christian Bautista, Pancho Magno, Carlo Gonzales at John Arcilla. Gaganap bilang Raquim si Dingdong Dantes at si Marian Rivera bilang Ynang Reyna.
TOP boy band
Iniharap at ipinakilalasa entertainment press ang winners sa multi-platform boy band competition, “To the Top” ng GMA Network in 2015. Now collectively known as TOP (Top One Project) na kinabibilangan nina Adrian Pascual (17 years old), Louie Pedroso (20), Mico Cruz (21), Joshua Jacobe (22) at Miko Manguba (22).
May self-titled album na sila na released ng GMA Records. Anim na kanta ang nakapaloob dito na ang carrier single ay “Pag-gising.” Kasama sa album ang apat na favorite songs nila sa kanilang performances during the competition, tulad ng “Bakit Ganoon,” “Alaala,” “Kaya Ko Kaya Mo” at “Somebody.” May isang original composition ang TOP, “San Na.”
Pinakabata sa grupo si Adrian at aniya, si Miko Manguba ang nag-inspire sa kanya to sing from his heart. Pinapayuhan din siya ng ibang kasama niya sa TOP. “Sineseryoso ko ang mga itinuturo nilang tamang techniques sa pagkanta,” ani Adrian.
Music man ng grupo si Miko Manguba. Siya ang nagga-guide sa vocals at over-all musicality ng kanyang bandmates. Siya ang band leader for his sheer talent and experience. Choir member siya noong high school. Noong nasa college na siya, inimpluwensiya siya ng kanyang brother na mag-join sa isang organization na nagtuturo ng sayaw.
Si Louie Pedroso ang tinaguriang Bad Boy ng grupo. Medyo pilyo ang tawag sa kanya. Aniya, noong una, gusto lang niyang kumanta para magpa-impress sa girls. “Nu’ng bata pa ako, napapanood ko sa TV na mas nagugustuhan ng mga babae ’yung mga lalaking marunong kumanta. But when I was growing up, naiba ’yung concept ko. It’ s about sharing what the music portrays and what you can do to inspire others,” ani Louie.
Good boy naman sa grupo si Mico Cruz. Aniya, sinubukan niya lahat kung ano’ng babagay na style ng kanta para sa kanya.” Hindi naman kasi pwedeng gusto ko lang, tapos hindi naman bagay sa boses ko. Nangyari naman na nae-enjoy ko ang jazz at sa tingin ko, bumagay sa akin. I learned to love it,” wika ni Mico.
Naging intern sa GMA Records si Joshua Jacobe. Nag-audition siya sa “To the Top” at pinalad naming nakarating sa top spot, kasama sina Adrian, Mico, Miko at Louie. Rock band member siya noong high school. “Habang tumatanda ako, mas naa-appreciate ko ’yung iba’t ibang klase ng music hanggang nagging komportable ako sa genre ng TOP,” ani Joshua.
Ang kanilang digital album ay pwedeng i-download sa iTunes, Amazon, Deezer at iba pang digital stores nationwide.
Ang physical album ay available sa record bars nationwide at sa www.Lazada.com.ph
Mall show
Abangan mamaya ang stars ng “Once Again” sa kanilang mall show sa Market! Market! Taguig City at 5 p.m. Magbibigay ng aliw at kasiyahan sina Aljur Abrenica, Janine Gutierrez, Jeric Gonzales, Yasser Marta at Analyn Barro. See you there, mga Kapuso!