ZAMBOANGA CITY – Binalaan ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (Pagasa) ang mga residente ng lungsod na maghanda para sa nalalapit na La Niña phenomenon o panahon ng tag-ulan.
Ayon kay Zamboanga city Pagasa chief meteorologist Maribel Enriquez, inaasahang makararanas ang siyudad ng malakas na pag-ulan itong mga sususnod na araw hanggang Hulyo.
“La Niña is more rain which is the opposite of El Niño which is dry,” paliwanag ni Enriquez.
Pinayuhan ni Enriquez ang mga residenteng naninirahan malapit sa tabi ng ilog na maging alerto lagi lagi na kung malakas ang pagbuhos ng ulan na maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
Nakaranas na ang lungsod ng pag-ulan nitong mga nakalipas na araw at inamin ng Zamboanga City Water District na lumagpas na sa normal level na 74.20 meters ang taas ng tubig sa dam. (Nonoy E. Lacson)