ZAMBOANGA CITY – Nakubkob ng tropa ng gobyerno ang kampo ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa Maimbung, Sulu, matapos ang 45 minutong sagupaan, Martes ng umaga. Sinabi ni Maj.
Filemon Tan, Jr. Western Mindanao command (WesMinCom) spokesman, na namataaan ng mga elemento ng Philippine Army’s 14th Special Ranger Company ang pagkakampo ng ASG sa Barangay Gulangan, Maimbung, Sulu, dakong 8 a.m..
Nagkaroon ng palitan ng putok sa pagitan ng mga sundalo at mga bandido na pinamumunuan ng ASG leader na si Idang Susukan bago tuluyang makuha ng militar ang kampo na walang nasugatan sa tropa.
Ayon kay Tan, kasalukuyang nagsasagawa ng clearing operations ang mga sundalo sa bayan ng Maimbung nang matagpuan nila ang kampo ng ASG.