CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga – Nasa 38 senior citizens na nasa edad na 95 hangang 100 ang nakatanggap kamakailan ng P100,000 cash bawat isa sa isang simpleng palatuntunan na isinagawa sa Benigno Aquino Hall, Capitol compound sa lungsod.
Personal na pinamudmod ni Gov. Lilia Garcia-Pineda ang tulong pinansiyal sa mga matatanda mula sa third at fourth district ng lalawigan. Nasa P3.8 million ang kabuuan ng perang ibinigay sa mga naturang senior citizens.
Ayon sa governor, gusto niyang maipalasap sa mga beneficiaries ang pagkalinga at tulong ng provincial government sa kanila sa pamamagitan ng perang magagamit nila para ipambili ng kanilang pagkain, gamot, at iba pang pangangailangan.
Kinilala ang mga beneficiaries na sina Policarpia S. Lobo, 96; Iluminada J. Carlos, 98; Jose J. De Mesa, 96; Aurelio A. Aquino, 95; Cornelia M. Tubig, 96; Virginia S. Dizon, 95; Salvador M. Luriz, 99; Venancio L. Cabigting, 95; Maxima G. Guevarra, 95; Luciano P. Mañago, 97; Florentina C. Gatus, 95; Adelina D. Nuñga, 95; Eufrecina D. Garbes, 96; Jose M. Santos, 97; Adela R. Briones, 97; Maria Beatriz H. Duncil, 95; Bonofacio Capulong, 98; Efipania Q. Catu, 95; Jose M. Manansala, 96; Placida D. Sandiego, 98; Rosario M. Padilla, 99; Remedios Mamangun, 96; Faustino C. Silvestre, 97; Diosdado C. Garcia, 99; Raymundo R. Nicdao, 99. Placida M. Manansala; Consuelo S. Lacap, 98; Serafin Maglaqui, 97; Antonina D. Sison, 95; Bienvenido N. Bacani, 99; Irene A. Banting, 95; Beneti R. Serrano, 95; Maria M. Mallari, 97; Severina C. De Leon, 95; Amando T. Briones, 95; Angela G. Pangan, 97; at Domingo J. Mendoza, 95. (Franco Regala)