ILOILO CITY – Isang 2-gulang na bata ang nasawi habang 26 pasahero ang nailigtas matapos lumubog ang isang motorized boat sa karagatang sakop ng Banate town, Iloilo, nitong Huwebes.
Kinilala ni Lieutenant Jomark Angue, chief ng Philippine Coast Guard (PCG-Iloilo), ang nasawing bata na si Jerico Palma dela Cruz.
Ayon sa pahayag ng mga nakaligtas na nagmula sa Dumangas, nagpunta sila sa isang resort sa Banate para sa pagdiriwang ng kaarawan. Nang naglalayag na sila pauwi bandang 3 p.m., pinataob ng isang malaking alon ang kanilang motorboat.
Kaagad na sumaklolo ang mga mangingisda malapit sa lugar at nailigtas ang lahat ng sakay ng bangka maliban sa batang lalaki.
Kinilala ng Dumangas substation of Philippine Coast Guard-Iloilo ang 23 nakaligtas na pasahero na sina Catherine Saysa, JM Berleotte, Criscia Mae Sausa, Francisco Palma Jr., Josephine Grajo Palma, Maria Palma, Federico Palma, Sayros Palma, Sacker Palma, Jaylen Palma, Recolen Palma, Alai Depositario, Teodoro Bemihagan, Salvacion Bemihagan, Sherelyn Bersabal, Shiela Bemihagan, Francis Bemihagan, Theodore Bemihagan, Jhon Sheilo Bemihagan, Ashly Nicole Plores, Ailee Kieth Plores, Mark Jeavrel Plores, and Xian Yuseff Bersabal.
Nailigtas din ang boat captain na si Felomino Cosca at mga tripulante na sina Melchor Onito Binas and Felizardo Agaton. (Tara Yap)