Nagsampa ng kasong kriminal ang office of the Ombudsman laban sa walong local officials ng Butuan dahil sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa fertilizer fund scam.
Lumabas sa imbestigasyon ng OMB na tumanggap ng halagang R5 milyon noong 2004 si dating Butuan City mayor Leonides Theresa Plaza bilang alokasyon ng Farm Inputs and Farm Implements Program ng Department of Agriculture.
April 2004 nang pinirmahan ni Plaza ang isang purchase request para sa procurement ng 3,333 bote ng liquid oeganiz fertilizer na nagkakahalaga ng P1,500 kada bote.
Isang linggo matapos ito ay ibinigay ang proyekto sa Feshan Philippines, Inc. na tumanggap ng paunang bayad na nagkakahalaga ng P3.1 million kasunod ang P1.7 na balance na naibigay noong May 31 ng parehong taon.
Sa pananaliksik ng Commission on Audit, lumabas na nagkakahalaga lamang ng P125.00 kada litro ang parehong kalidad ng fertilizer.
Sangkot din sa kaso ang iba pang opisyal ng Butuan na kinilalang sina dating vice mayor Angelo Calo, Salvador Satorre, Adulfo Llagas, Arthur Castro, Rodolfo Evanoso, Bebiano Calo, Danilo Furia at Melita Loida Galbo ng bids and awards panel. (Jun Ramirez)