Heto na naman tayo at nagalugad kahapon ang lahat ng nagtitinda ng programa karera pati na ang paborito kong Samson’s Billiard OTB kung saan laging maagang dumating ito pero nabigo ako. Tipong araw ng karera ito lalabas.
Pinahanga ng Zooming, entry ng SC Stockfarm Inc., ang bayang karerista, kahapon sa Race 6, nang maorasan ito mabilis na 1 minute and 32 seconds sa layung 1,500 meters sa pistang San Lazaro Leisure Park.
Malayung sumegundo rito ang Heires Of Hope kasunod na ang Breaking Bad at Wo Wo Duck Kahapon pa rin, ang Winner Take-All event covering Races 1 to 7 ay nagbigay nang malaking premyong P102,557.60 para sa holders ng 27 winning tickets.
Ang Pick-6 (R2-7) naman ay premyong P18,232.60 ang Pick-5 ay P821.20 at ang Pick-4 covering the usual last 4 Races ay P237.20.
Nagsipanalo rito from Races 1 to 7, ayon sa pagkakasunud-sunod, ay ang Striker’s Symbol, Amor Mio, Lucky Leonor, Dive’s Champion, Swoosh, Zooming at kaluguran or combinations 13-3-5-7-5-7-10.
Ang Super Six, carry over amount of P34,194.20 mula sa Race 1 ay tinamaan na sa last Race kung saan nagtambalan ang kaluguran, Sigme Treasure, Camorra, Silver Champ, Irish Toffee at Winning Move or combinations 10-5-4-2-1-6 at nagbigay ng gantimpalang P17,056.60
At MetroTurf naman last Wednesday ang 1st set ng WTA covering Races 1 to 7 ang nagbigay ng P23,574.80 at ang 2nd set nito (R3-9) ay may premyong P16,922.60
Ang 2nd Leg nang popular na Triple Crown Stakes Race ay nakatoka naman sa Metro Turf pati na ang supporting Hopeful Stakes Race.
So there…. Good Luck and see you guys at our usual Samson’s Billiard OTB at Saint Joseph and/or at Obel dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta. (JOHNNY DECENA)