Tatlong bata ang namatay sa sunog sa Cainta, Rizal noong Biyernes.
Kinilala ng Cainta Fire Department ang mga biktima na sina Nikko Espinosa, 15; Kevin Espinosa, 6, at kanilang pinsan na si Coleen Espinosa, 2.
Mahigit 60 bahay na gawa sa light materials ang natupok sa tatlong oras na sunog sa Bagong Silang, Barangay San Juan.
Ayon kay Fire Officer 1 Carlo Ortiz ng Bureau of Fire Protection-Cainta, natagpuan ang mga bangkay ng biktima sa isang retrieval operation.
Nagsimula ang sunog ng 11:35 p.m. at umabot sa fourth alarm bago naapula ng 1:40 a.m. kahapon. Hinihinalang napabayaang kandila ang sanhi ng sunog.
Tumutuloy pansamantala ang mga apektadong pamilya sa covered basketball court ng Palmera Homes 2 sa Taytay at tinutulungan na rin sila ng pamahalaang panglungsod ng Cainta. (Nel B. Andrade and Madelynne Dominguez)