ISA na namang yum yum yum na araw ng pagluluto ang hatid ng inyong nag-iisang Chef Boy ngayon! Isa sa paboritong pagkain ng mga Pilipino ang Kamoteng Kahoy. Nngayong araw, maghahanda tayo ng isang simple ngunit masarap na home-made dessert gamit ito – ang Minatamis na Kamoteng Kahoy at Sago. Samahan pa ito ng pagmamahal habang niluluto at siguradong wala nang mas tatamis pa sa pagsasama ng inyong buong pamilya.
Ingredients:
2 pcs kamoteng kahoy (peeled & steamed)
1 ½ cup brown sugar
2 cup water
1 tsp vanilla extract
2 pcs pandan leaves
1 cup sago (cooked)
1 tbsp butter
½ cup coconut cream
Procedure:
1. In a pan, combine water and brown sugar then stir until brown sugar has dissolved. Add kamoteng kahoy, vanilla extract and pandan leaves then simmer until mixture is reduced to a syrupy texture, then add coconut cream.
2. Simmer for 5 minutes then add butter and sago.
3. Let it simmer for a minute. Serve.
* * *
Para sa masasarap na recipes mula sa eksperto, patuloy na manood ng “Idol sa Kusina” sa GMA News TV. (CHEF BOY LOGRO)