Magkakaroon ng pagbabago sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw na ito.
Sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Phoenix Petroleum Philippines na magbabawas sila ng presyo ng gasolina ng 15 sentimos kada litro epektibo ngayong alas sais ng umaga.
Subalit magtataas sila ng presyo ng diesel ng 15 sentimos kada litro. Idinagdag ng Shell na walang pagbabago sa presyo ng kerosene.
Dahil sa mga pagbabagong ito, ang presyo ng diesel sa Metro Manila ay magmumula P25.30 hanggang P29.55 kada litro samantalang P36.50 hanggang P43.75 naman kada litro sa gasolina. (PNA)