MARAWI CITY – Pansamantalang inihinto ng militar ang operasyon laban sa jihadist militants sa kabundukan ng Lanao del Sur upang bigyang daang ang paggunita ng mga Muslim ng Ramadhan.
Ipinahayag ng military ang kanilang hakbang habang nanawagan naman ang mga Maranaw professionals at rights advocates sa matataas na opisyal ng gobyerno, kasama na ang bagong halal na si Presidente Rodrigo Duterte, na imbestigahan ang direktang partisipasyon ng American troops sa operasyon laban sa Maute group sa bayan ng Butig.
“We cannot allow the Americans to use our homeland as laboratory for their so called ‘War on Terror,’ which by the way we believe is their own creation to (suppress) Muslims around the globe,” pahayag ni Marawi City-based peace and rights advocate Drieza Abato Lininding sa kanyang Facebook post na may kakabit na larawan ng mga American troops kasama ang mga sundalong Filipino sa Butig.
Sinabi ni Lininding na base sa kwento ng isang sundalo, may mga American troops na gumamit ng drones at sniper rifles sa pagpatay sa jihadist militants.
Ayon kay Col. Roseller Murillo, hepe ng Army 103rd Infantry Brigade, ipinatupad ang pangsamatalang pagtigil sa combat operations para mabigyan ng pagakakataon ang mga residente ng Butig town na makabalik sa kani-kanilang bahay at mapayapang maisagawa nila ang kanilang pag-aayuno. (Ali G. Macabalang)