Umaasa si outgoing Bacolod Rep. Evelio R. Leonardia na maipapasa ang kaniyang panukala na may kinalaman sa pagkakaroon ng vocational educational at training program sa mga preso.
Ayon kay Leonardia, dapat bigyan ng pansin ang House Bill 6501 o ang “Prisoner Vocational Education Act of 2016” sa darating na Kongreso.
Naniniwala si Leonardia na ang kaniyang proposal ay tutugon sa panawagan ng susunod na gobyerno na magkaroon ng peace and order sa bansa.
“We need to give these prisoners the opportunity to be reintegrated into society as rehabilitated and productive citizens,” ani Leonardia.
Dagdag pa ni Leonardia, bababa ang tsansa na bumalik sa kulungan ang mga napalayang preso dahil sa programang ito. “Providing prisoners with education programs and vocational training helps keep them from returning to prison and improves their future job outlook,” dagdag ni Leonardia.
Kung papasa ang nasabing bill, aatasan nito ang Secretary of Justice sa pakikipagtulungan sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magbalangkas ng rules and regulations para dito. (Charissa M. Luci)