SEVEN months pregnant si Iya Villania sa unang anak nila ng husband niyang si Drew Arellano. Baby boy ang isisilang niya at pangangalanan nila itong Antonio. Baby ang tawag nila at ayon sa mag-asawa, excited na silang makita ang itsura ng kanilang baby.
Ayon kay Drew, naging emotional siya nu’ng nalaman nila ang gender ng kanilang baby. Naalala niya ang kanyang daddy who passed away three years ago.
Aniya, hindi lang daddy kundi best friend niya ito at sana raw ay maging gaya siya ng kanyang daddy sa pagpapalaki niya sa magiging anak nila ni Iya.
Ayon naman kay Iya, hindi siya maselang magbuntis. Nagwo-workout pa rin siya, tumatakbo, nagbi-bike at nag-e-exercise pa. Kaya pa naman ng kundisyon ng katawan niya at may consent ’yun ng kanyang doktor.
For the first time ay magkatrabaho ang mag-asawa bilang hosts ng isang cooking show ng GMA7, ang “Home Foodie Season 2.” Nu’ng Season 1, solo host lang si Drew, kaya naman ani Iya, thankful siya at happy na bahagi na siya sa Season 2 nito.
Hatid ng San Miguel Purefoods, kasama rin sa “Home Foodie Season 2” ang mga chef na sina Llena Tan-Arcenas, Rene Ruz at RJ Garcia na magbibigay ng tips at techniques sa mga simple, masarap na food na kayang-kayang lutuin. Ang “Home Foodie Season 2” ay 3-minute show na mapapanood Monday to Friday simula June 13 after “Unang Hirit” sa GMA7.
Tsutsugihin na?
Kalma lang si Marian Rivera sa tsikang diumano’y tsutsugihin na ang “Yan ang Morning.” May kung sino (o mga) nagpapakalat na diumano’y dahil sa poor ratings at boring topics, kaya tsutsugihin na ang kanyang morning talk show.
In fact, satisfactory naman ang ratings ng YAM at maraming viewers ang nagsasabing interesting ang mga isyung pinag-uusapan sa morning talk show ni Marian. Anila, marami silang natututunan sa bawat episode, kaya every morning ay tinututukan nila ang YAM at 9:30 a.m. sa GMA7.
Dagdag pa ng mga nakakausap namin, gumaganda ang kanilang morning at good vibes sila lalo pa’t always smiling si Marian. Idagdag pa ang kakikayan ng co-host niyang si Boobay. Solved na ang kanilang morning.
Isipin nalang nating may inggit factor kung sinuman ang nagkakalat na bilang na ang mga araw ng “Yan ang Morning.”
Ani Marian, mas natsa-challenge sila ni Boobay na lalo pang pagbutihin ang kanilang talk show para ma-entertain at ma-educate ang kanilang viewers. Tama!
Simple lang
Simple lang ang atake ni Chanda Romero sa karakter niya bilang Carmen sa “Once Again.” Hindi OA (over-acting) ang pagmamahadera niya sa mag-inang Jean Garcia (Madel) at Janine Gutierrez (Des). Pero nakukuha ni Chanda ang atensyon ng viewers once pumasok na siya sa eksena. Iba siyang dumiskarte, pero hindi masasabing nananapaw siya.
Mamaya sa “Once Again,” makikipaghiwalay na si Aldrin (Aljur Abrenica) kay Celeste (Thea Tolentino). Uudyukan ni Carmen (Chanda Romero) si Madel (Jean Garcia) na ibigay nalang si Des (Janine Gutierrez) kay Agnes (Sheryl Cruz) at saka hingan nila ito ng bayad. Naniniwala si Aldrin na reincarnated souls sila ni Des nina Edgar at Reign. Hindi naman naniniwala si Des at magwo-walkout siya.