Natangay ang mga alahas na nagkakahalaga ng P300,000 na pagmamay-ari ng isang babaeng doktor ng mga hinihinalang miyembro ng Dugo-Dugo Gang noong Martes sa Quezon City.
Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang biktima na si Deborah Azan-Red, 44, ng Labrea Subdivision, Barangay Commonwealth.
Ayon sa imbestigasyon, wala sa bahay ang biktima ng tumawag ang isang babae at hinanap ang kanyang katulong.
Nagpakilala ang babae na tauhan ng biktima at sinabing naaksidente ang kanyang amo. Inutusan ang katulong na kunin ang mga alahas ng kanyang amo at dalhin sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife sa Quezon City.
Pumunta ang katulong sa lugar at ibinigay ang mga alahas sa tatlong babae naghihintay sa kanya. Kaagad umalis ang tatlong babae pagkatapos tanggapin ang mga alahas.
Napagtanto ng biktima na naloko siya at kaagad na iniulat ang insidente sa mga otoridad. (Vanne Elaine P. Terrazola)