GINANAP kamakailan ang grand finals night ng “Juicy-Fied Girls 2016: The Search for the Next Juicy Cologne Ambassadors” sa Trinoma Activity Center.
Out of 20 young finalists na rumampa, walo ang tinanghal na ambassadors para mag-represent sa eight variants ng Juicy cologne. Magkakaroon sila ng special projects at series of trainings and seminars.
Ang eight winners ay sina Catherine Jao (Lcylicious ambassador), Rowell Juarez (Angel’s Bliss), Roberta Hammond (Sugar Frosting), Mary Nicole de Guzman (Up, Up & Away), Juliane Indiongco (Sweet Delights), Sophia Geronimo (Dreamsicle), Barmae Chua (Orange Twist) at Marie Boncan (Spritely Sprinkle).
Ang hosts ng event ay sina MXY VJ’s Alex Diaz at Ai dela Cruz. Special guest performers sina Kathryn Bernardo (Juicy Cologne brand endorser) at Juan Karlos Labajo, The Voice Kids Top 4 winner. Naging judge rin si Juan Karlos along with UAAP court side host na si Janeena Chan.
May kanya-kanyang solo song number sina Kathryn at Juan Karlos. Tumulong din si Kathryn sa mga people behind the event sa pag-award sa eight young ladies na tinanghal na Juicy Cologne ambassadors. Magpo-focus sila sa mga proyektong may kinalaman sa arts and culture, community development, health and wellness at humanitarian services.
False alarm
False alarm ang napabalitang diumano’y balak idemanda si Nora Aunor ng producer-director niya sa isang indie film na ginagawa niya. Kesyo, hindi raw kasi sumisipot ang superstar sa shooting.
The truth is, alam ng producer-director na nagkasakit at naospital si La Aunor, kaya hindi siya nakapagpaiskedyul ng shooting. Hinintay nilang gumaling ang superstar at saka sila nag-resume ng shooting.
Nakapag-report na uli si La Aunor at kinunan ang mga eksena niya sa Bustos, Bulacan. May one shooting day pa siya at tapos na ang movie.
Magsisimula naman siyang mag-shoot ng isa pang indie film bago siya pumunta sa Boston, Massachussetts sa July this year para sa kanyang throat surgery. Sana naman ay tuloy na talaga ang operasyon sa superstar para makakanta na muli siya. Aniya, nami-miss na niya ang pagkanta.
Comeback project
Understandable kung sa Kapuso Network ang balik-TV ni Kristine Hemosa. Ang father-in-law niyang si Vic Sotto ang producer ng upcoming sitcom na “Hay! Bahay” na pagbibidahan nito, kasama si Ai-Ai de las Alas with Kristine and husband Oyo Sotto. Join din sa cast sina Jose Manalo at Wally Bayola.
Wala nang kontrata si Kristine sa Star Magic ng ABS-CBN, kaya walang problema kung sa GMA7 ang comeback TV acting niya. At saka, for sure, mas magiging komportable siyang katrabaho ang kanyang hubby at father-in-law. Nagkatrabaho na sina Vic at Kristine sa isang fantasy movie kung saan love interest nila ang isa’t isa.
Si Oyo ang gumanap na anak ni Vic. Kung tama kami, sa naturang movie nagka-in love-an sina Oyo at Kristine hanggang naging mag-asawa sila. Pregnant ngayon si Kristine sa fourth child nila ni Oyo.
Gaganap sila bilang newlywed sa “Hay! Bahay” at makikita ang paglaki ng tiyan ni Kristine. Sakto sa kundisyon niya sa tunay na buhay.
Magsyo-showbiz na rin?
Mukhang naunahan ni Bechay Vidanes si Annabelle Rama na maging talent manager ni Baste Duterte, anak ni president-elect Rodrigo Duterte.
“’Heard, ang management company ni Bechay ang magma-manage kay Baste. Si Bechay ang manager nina Robin Padilla at Jasmine Curtis-Smith. Mag-aartista kaya si Baste o magpo-focus siya sa pagiging rock singer?
It was earlier reported na interesado si Annabelle i-manage ang career ni Baste, if ever pasukin nito ang showbiz.
May pahayag si Baste na ayaw niyang mag-showbiz. Ayaw rin niyang mamalagi sa Manila at mas gusto niya sa Davao City dahil walang traffic doon.
Just curious, paano kaya nakumbinse ni Bechay si Baste na pasukin ang showbiz? Ngayon pa lang, marami na ang interesado kung saan una nilang mapapanood si Baste.
May mga nagre-request na sana raw ay mag-guest si Baste sa “Gandang Gabi Vice” at tiyak daw na kaabang-abang ang mga itatanong ni Vice Ganda. Ang daddy ni Baste ang sinuportahan ni Vice sa nakaraang presidential race.