NANG tanungin ang limang miyembro ng bagong binuong Kapuso boy band na T.O.P. (The One Project) kung sino ang kanilang dream na maka-duet at makatrabaho balang araw, ito ay walang iba kundi ang Kapuso singer-actress Julie Anne San Jose at ang Kalyeserye star at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza.
Sa naganap na album launch ng T.O.P. naging pare-pareho ang sagot ng mga aspiring singers na sina Mico Cruz, Miko Ma-nguba, Joshua Jacobe, Louie Pedroso at Adrian Pascual tungkol sa mga dream girls nila.
Dapat pala ay magpo-front act ang T.O.P. sa nakaraang birthday concert ni Julie Anne sa KIA Theatre noong May. Pero hindi sila natuloy dahil nagkaroon sila ng prior commitment na isang out-of-town show sa mismong araw ng birthday concert ni Julie.
“Sayang nga po kasi we were looking forward na makasama si Julie Anne San Jose sa stage,” sey ni Mico.
Dagdag pa ni Joshua: “Maga-ling na singer si Julie at ang ganda pa niya. Sana ay magkaroon ulit kami ng chance na makatrabaho siya.”
Mukhang matutupad naman ang wish ng T.O.P. na maka-duet si Julie Anne kapag natuloy na silang maging regular performer sa musical-variety show na “Sunday Pinasaya.”
Si Maine naman daw ay type nilang apat dahil sa Pinay beauty nito.
Tatlo kasi sa miyembro ng T.O.P. ay taga-Bulacan kaya alam nila kung gaano kaganda ang mga Bulakenya na tulad ni Maine.
“Gusto namin sanang makasama si Maine kapag may ginawa na kaming bagong music video,” wish pa ni Miko.
Iba raw kasi ang dating ni Maine dahil marunong daw itong umarte.
“Napapanood namin ang mga ginagawa niya sa Kalyeserye, magaling siya. Kaya sana mag-yes siya kapag hiniling namin siya para sa isang music video,” ngiti pa ni Adrian.
Ang kanilang self-titled album ay available na rin for downloads sa iTunes, Amazon, Deezer, and other digital stores nationwide.
Ang kanilang carrier single ay may title na “Paggising”. Kasama rin sa album ang collaboration nila na song na may title na “San Na”.
“Malaking tulong po si Maestro Ryan Cayabyab sa pagsulat namin ng song na ito,” sey pa ni Louie.
“Noong nasa contest pa lang kami ng ‘To the Top,’ nagpakita na ng suporta sa amin si Mr. C. Kaya gusto namin siyang pasalamatan dahil sa mentorship na binigay niya sa aming grupo.” (RUEL J. MENDOZA)