By RUEL J. MENDOZA
HINDI sineryoso ni Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid ang balitang kumalat na banned na siya na mag-perform sa Smart Araneta Coliseum pagkatapos niyang hindi suportahan ang tumatakbong presidential candidate na si Mar Roxas.
Naging vocal ang star ng GMA primetime teleserye na “Poor Senorita” na si Grace Poe ang kanyang sinuportahan.
“Hindi naman ako bothered sa balitang iyon kasi pakiramdam ko naman ay hindi nila gagawin sa akin iyon,” diin pa ni Regine.
“Noong tinanong naman ako ng media kung sino ang susuportahan ko, naging honest lang ako in saying na si Grace Poe because siya ang sinusuportahan ng mister ko.
“I see nothing wrong sa sinabi kong iyon.
“In the first place, wala naman akong sinasabing masama against Mar Roxas. Never ko siyang siniraan.
“It’s just that kung sino ang pinaniniwalaan ng mister ko, siyempre, doon din ako,” diin pa ni Regine.
Back to taping nga si Regine ng “Poor Senorita” after ng kanyang successful na “Timeless” concert series niya sa US. Marami nga raw siyang napasayang mga kababayan natin doon.
“Nakapag-promote pa ako doon ng ‘Poor Senorita.’ In fairness, napapanood nila ’yung show via GMA Pinoy TV,” ngiti pa niya.
Natuwa pa si Regine dahil nagkaroon pa siya ng ilan pang eksena kasama si Manilyn Reynes na gumaganap bilang si Madam Ligaya de Beauvoir.
“It’s my first time to work with Manilyn sa isang teleserye.
“Noong umalis kasi ako for the concert in the US, nag-advance taping na ako kasama siya. Akala ko hanggang doon na lang ’yon.
“Natuwa ako na in-extend pa ang role niya at nagkasama pa kami ulit.
“Sobra akong natatawa kay Mane kasi bagay sa kanya ’yung role,” tawa pa niya.
Panay nga raw ang throwback nila ni Manilyn ng mga ginagawa nila noon.
“Noon kasi puro mga kanta-kanta lang kami. We were both with the Coca Cola Star Force noong ’80s. Mga bata at dalaga pa kami noon.
“Now ang laging pinag-uusapan namin ay mga anak namin.
“Bilib nga ako kay Mane kasi tatlo ang naging anak niya. Ako si Nate pa lang pero hirap na hirap na ako minsan.
“Ganyan yata kapag mashonda na. Panay throwback na lang kami ni Mane!” natatawang pagtapos pa ni Regine Velasquez-Alcasid.