BUTUAN CITY – Niyanig ng sunod-sunod na lindol ang Surigao del Sur kahapon, ayon sa ulat ng Disaster Risk Reduction and Management Councils (DRRMCs).
Walang naitalang nasaktan o nasirang ari-arian sa mga bayan na naapektuhan ng lindol, pahayag ng DRRMCs ng Surigao del Sur at Surigao del Norte.
Base sa Phivolcs bulletin, naganap ang 4.2-magnitude earthquake sa Surigao del Sur bandang 2:47 a.m. at ang epicenter nito ay natagpuan 45 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Bayabas town, may lalim na 16 km.
Nauna rito, dakong 1:15 ng umaga, naitala rin ang 3.0 magnitude na lindol sa bayan ng Hinatuan na may lalim na 21 km., pahayag ng Phivolcs.
Isa pang pagyanig na may lakas na 2.6 magnitude ang naganap sa oras na 3: 56 a.m. sa bayan ng Cortes.
Ang tatlong lindol ay tectonic in origin at walang inaasahang aftershocks or tsunami na magaganap, ayon pa sa Phivolcs. (Mike U. Crismundo)