Himalang nakaligtas ang isang sundalo matapos tamaan ito ng isang bala ng grenade launcher sa kaniyang mukha habang nagpapatrolya sa isang military camp sa Colombia.
Pumasok ang naturang bala sa panga ni Leandro Jose Luna nang aksidenteng napindot ng kasama nitong sundalo ang isang grenade launcher na kanilang dala-dala.
Ayon sa chief surgeon ng military hospital na si Dr. William Sanchez, kinailangan nilang gumawa ng improvised operating room sa parking area ng kampo matapos madiskubre nila na posible pang sumabog ang nakabaon na bomba sa panga ni Luna.
May ilang oras din ang layo ng ospital sa military camp kahit na gamitan pa ng helicopter ang pagbiyahe sa biktima.
“This was a procedure that was a little unusual… We have to improvise an operating area in the external area of our facility, in the parking lot and on the helipad, given the characteristics of the patient, because he had an explosive element, a grenade, embedded in his face.”
Matagumpay na nai-alis ang naturang bomba sa mukha ni Luna ngunit nagkaroon din ng tensyonadong sitwasyon sa kampo sa kabuuan ng operasyon.
“Five minutes were decisive,” ani Sanchez. “If the grenade had exploded, there would have been a tragedy.”
Samantala iniulat din ni Sanchez na maganda ang recovery ni Luna at posible na itong maibalik sa kaniyang destino oras na gumaling ito.