BUTUAN CITY – Hinarang at sinunog ng mga armadong kalalakihan na hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang container van na kargado ng saging sa national highway sakop ng Barangay Amaga, Barobo, sa Surigao del Sur, nitong Miyerkules.
Ayon kay Firs Lt. Karl Jan S. Devaras, information officer ng 4th Military Operations Battalion 4th COMB), ang sinunog na van ng DOLE Philippines ay isa lamang sa mga sasakyan na hinarang ng mga rebelde sa inilagay nilang checkpoint.
“Pupils who happened to witness the incident were terrified which prompted them not to attend school,” sabi ni Devaras.
Base sa report, hinarang ng mga rebelde ang bawat sasakyan na papaalis ng Barobo bandang 7 a.m..
“The pupils were on their way to school when a group of armed men halted their vehicle, forcing them to step out and threatened to be chased and tied up if they will run,” pahayag ni Devaras.
Matapos ang insidente, tumakas ang mga rebelde patungo sa kabundukan ng Barangay Amaga, Barobo.
Walang naiulat na nasaktan sa insidente. (Mike U. Crismundo)