COOL dad si Vic Sotto sa mga anak niya. Aniya, hindi siya pakialamerong ama. Hindi siya nagbibigay ng payo sa mga anak niya kung may problema ang mga ito. Not unless, lumapit ang mga ito sa kanya at hingan siya ng payo.
“Problema nila, bahala silang lutasin ’yun,” ani Vic sa presscon ng “Hay, Bahay!” “Ako, hindi ko pinoproblema ang problema. Sa bawat problema, may solusyon,” dagdag pa ng TV host-comedian.
Sabi ng daughter-in-law niyang si Kristine Hermosa, kapag may problema sila ng husband niyang si Oyo Sotto, hindi nila “binubulabog” ang daddy ni Oyo.
“Salamat naman, hindi n’yo ako binubulabog,” pabirong sabi ni Vic.
Inamin ni Kristine na hindi sila gaanong close ng kanyang father-in-law. Minsan nga raw, kahit magkatabi sila, hindi sila nag-uusap. Pareho raw kasi silang tahimik ni Vic. Hindi kaya may hiya factor lang si Kristine?
Asked Vic kung nagkakatampuhan ba sila ng wife niyang si Pauleen Luna? “Sa edad kong ito, hindi na uso sa amin ang tampuhan,” sambit ni Vic. Loving-loving na lang sila ni Pauleen dahil gusto na nilang magka-baby. Try and try sila.
“In God’s time, ibibigay Niya ’yun (baby) sa amin,” ani Vic.
Father’s Day this Sunday at ayon kay Vic, magdi-dinner silang mag-asawa kasama ang mga anak at in-laws niya (except Marc Pingris na husband ni Danica dahil may prior commitment ito). Bukas din ang pilot telecast ng “Hay, Bahay!” pagkatapos ng “24 Oras Weekend” sa GMA7.
Magiging nanay na rin
Magiging nanay na rin si Nadine Samonte tulad ng batchmates niyang sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi at Katrina Halili sa “Starstruck 1.”
Baby girl ang isisilang ni Nadine a few months from now. Pangangalanan nilang Heather Sloane ang first child nila ng non-showbiz husband niyang si Richard Chua. Anak ito ng former actress na si Isabel Rivas na ngayon ay isang successful businesswoman. Pa-travel-travel abroad na lang siya ngayon.
Si Richard naman ay nagtatrabaho sa Bureau of Immigration sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport).
Sa “Starstruck 1” batchmates, happily married sina Nadine at Yasmien. Parehong unwed mothers naman sina Jen at Katrina. Ten years ago or so, mga teenager lang sila na nag-compete sa naturang reality show ng GMA7. Ngayon ay mga nanay na sila. Ang bilis talaga ng panahon.
Never naapektuhan
Never naapektuhan si Enchong Dee sa gender issue sa kanya. Bilib kami sa kanya na never siyang napikon sa pang-iintriga sa kanya ng entertainment writers noong presscon ng “I Love You to Death.”
Cool lang si Enchong at dinaan lang sa tawa ang pangungulit ng press sa never-ending gender issue about him. Ganoon din siya sa bali-balitang pati ’yung break-up nila ng girlfriend niyang si Samantha Lewis ay gimmick lang diumano dahil never naman daw naging “sila.”
Ani Enchong, bahala na kung ano’ng gustong isipin ng press dahil hindi raw niya mapipilit kung ano’ng gustong paniwalaan ng mga ito.
In any case, thankful si Enchong dahil naka-ten years na siya sa showbiz. Naka-survive siya sa kabila ng mga intrigang ipinupukol sa kanya. Gusto niyang magtagal sa showbiz at gusto niyang mag-explore ng talents niya.
First movie ni Enchong sa Regal Entertainment ang “I Love You to Death” kung saan napalaban siya sa kissing scenes kay Kiray Celis. Hinimas pa niya ang legs ng petite comedian. Naghawakan at nagpisilan pa sila ng puwet.
Horror-comedy-romance ang ILYTD na showing sa July 6 sa mga sinehan nationwide.