Tupok ang mahigit 200 stalls dahil sa isang sunog na tumagal ng halos sampung oras sa loob ng Malabon Public Market Biyernes ng gabi.
Nagsimula ang sunog dakong 11:59 ng gabi at umabot sa fourth alarm pagsapit ng alas-kwatro ng madaling-araw.
Ayon kay Fire Officer 4 Rogelio Gayon, nahirapan silang apulain agad ang apoy sanhi na din sa bilis na pagkalat dahil karamihan sa mga produktong ibinebenta sa mga stalls ay gawa sa plastic.
“Maaga naman pong rumisponde ang mga bumbero. Kaso, ang sabi nila sa amin ay hindi nila mapasok ang public market kasi wala sila mga mask,” Ayon sa isang stall owner na kinilalang si Harol Tujilo.
Dakong 10 a.m. na nang tuluyang maapula ang sunog kung saan aabot sa halos 30 firetrucks ang rumesponde dito.
Kasalukuyang inaalam pa ng awtoridad ang pinagmulan ng sunog. (Jel Santos)