MARAWI CITY – Matapos ang 12 araw na pagkakabihag, pinakawalan ang dalawang natitirang estudyante na nakidnap ng mga armadong kalalakihan sa isang liblib na lugar sa Lanao del Norte.
Kinilala ang mga biktima na sina Berzon Paeste at Cidrick Jamias na parehong estudyante ng Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT).
Nasagip ang dalawa ng pinag-sanib puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), pulis at military sa boundary ng Poona-Piagapo and Munai towns in Lanao del Norte na sinasabing nasa jurisdiction ni MILF commander Abdullah “Bravo” Macapaar.
“It’s the pressure of the joint team and the assistance of Commander Bravo that forced the kidnappers to abandon the kidnap victims safely,” ani lawyer Abdul Jamal Dimaporo, head agent-in-charge ng NBI-Iligan District Office.
Nadakip sina Paeste at Jamias kasama ang apat na iba pang estudyante habang binabaybay ang Barangay Buru-un, Iligan City.
Inihahahanda na ang kaso sa mga suspek na sakay noon ng isang Multicab unit na nakarehistro umano sa Cagayan de Oro City. (Ali G. Macabalang)